Nagulat si Jerald Napoles sa bagong bansag sa kanya.
Nalaman lang niya ang tungkol dito dahil sa audio-visual presentation na ipinakita nang ipakilala siya sa entertainment press bilang “The New Pogi.”
Hindi raw alam ni Jerald kung sino ang nakaisip na bansagan siyang "The New Pogi."
“Ngayon lang po,” sagot niya nang magtanong ang Cabinet Files tungkol sa bagong tawag sa kanya.
“Hindi ko alam na may video, The New Pogi. Sobrang new,” nagtatakang reaksiyon ni Jerald, dahilan para matawa ang mga miyembro ng entertainment press na kaharap niya.
JERALD NAPOLES'S GRANDMOTHER
Dahil sa "The New Pogi" label sa kanya, naikuwento ni Jerald ang sinabi ng lola niya noong bata pa siya.
Tumatak daw sa isip ni Jerald ang pag-uusap nila ng kanyang lola dahil nasaktan siya.
Lahad niya: “Sumalangit nawa but I love her so much, lola ko, e.
"Sabi ng lola ko, 'Ang arte-arte mo. Kung inaakala mong pogi ka, hindi ka pogi, ha? Pangit ka, ha!’
"Huh! Puwede naman hanggang dun lang sa 'hindi ka pogi.' Huwag na dun sa 'pangit ka.'
“So, that’s why siguro... hindi naman sa hindi ko tanggap na pogi ako pero parang hindi ako nasanay.
“That’s why, as I grow old, I tried my best to cling on to any strength that I have.
"Kung may talino ako, dun ako. Kung yayaman ako, dahil matalino at masipag ako.”
Iniyakan daw ni Jerald ang sinabi ng kanyang lola, pero naunawaan niya ito.
Saad niya: “Umiyak ako noon kasi lola ko yun, e. Ang hirap sabihan ng ‘Huy pangit ka!’ tapos hindi ako maka-rebuttal sa yo.
“Naabutan niya na nag-artista ako pero hindi niya naabutan na nagbibida ako sa pelikula.
"Naabutan niya ako na support, best friend ako ng bida. Siyempre, proud na proud siya.
"Hindi naman niya kasi mini-mean na mangutya, e. Para sa kanya lang, kailangan makita yung nasa likod kung bakit niya sinabi yon.
“Ang naiintindihan ko is harsh ang mundo. Huwag mong ilagay sa utak mo itong bagay na ikaw lang ang makakaintindi.
“Lagi mong iisipin ang sasabihin ng mundo kaya ngayon pa lang, magandang sa akin mo na marinig kesa marinig mo sa iba.”
Read: Ces Drilon goes viral for heated interview with Bato's lawyer Jimmy Bondoc
THE NEW POGI
Sa obserbasyon ni Jerald, nagbago na ang kahulugan ng pagiging pogi sa paglipas ng panahon.
Ibinigay niyang halimbawa ang mga boy group na iniidolo ng mga kabataan.
“Dati ang basehan natin ng boy group, kahit kaunti lang ang talent mo, basta pogi ka,” sabi ni Jerald.
“Ngayon, nung lumabas yung SB19, aminan na, hindi naman tayo na-impress sa hitsura nila, pero grabe yung talent nila.
"Kaya I think that’s the new pogi.
“Kung ano yung meron ka na nag-e-excel na poging-pogi yung mga tao.”
May sagot din si Jerald nang tanungin naman tungkol sa kanyang “man crush.”
Aniya: “Meron po. Kami ni Kim [Molina, his wife], na-appreciate namin yung, 'Ang pogi nito, 'no?' Tapos meron pa akong, 'Lalakeng-lalake.'
“Mas marami kasi ngayon na magandang lalake. Eto, I would agree, nung kasal ko po, marami sa mga guest guwapung-guwapo sila kay Gerald Anderson, kasi lalakeng-lalake.
"At nag-a-agree ako sa kanila."
Read: Viral judge steals spotlight from looksmaxxing founder Clavicular at court hearing