Hindi natupad ang inaasam at ipinagdarasal na back-to-back win ng mga kandidata ng Pilipinas sa Miss Aura International 2026 at Miss Eco International 2026 dahil parehong hindi pinalad sina Mariel Baltazar at Gabrielle Carballo.
Magkasabay na idinaos ang dalawang international beauty pageants noong Mayo 22, 2026 (Mayo 23 ng madaling-araw sa Pilipinas).
MISS AURA INTERNATIONAL 2026
Si Mariel ang official delegate ng Pilipinas sa Miss Aura International 2026 na ginanap sa Antalya, Turkiye.
Top 11 finisher lamang siya kaya hindi niya nasundan ang tagumpay ni Krishan Allere, ang Filipina titleholder noong nakaraang taon.
Tumagal ng mahigit sa sampung minuto ang farewell speech ni Krishan dahil pinasalamatan at inisa-isa niya ang lahat ng mga pangalan ng mga sumuporta sa kanya.
Si Isabella Rossini, 20, ng Czech Republic ang hinirang na Miss Aura International 2026.
First runner-up si Barbara Wolfenson ng Chile; second runner-up si Azaliya Timergalieva ng Bashkortostan; third runner-up si Aleksandra Kochergina ng Tatarstan; at fourth runner-up si Melanue Cury ng Colombia.
Dahil sa Miss Aura International 2026, nalaman ng pageant fans na may mga lugar sa ibang panig ng mundo na Bashkortostan at Tatarstan ang pangalan.
Mga republika ng Russia ang Tatarstan at Bashkortostan, at bahagi ng Eastern Europe.
Read: Who is Bea Millan-Windorski, Miss Universe Philippines 2026?
View this post on Instagram
MISS ECO INTERNATIONAL 2026
Top 21 finisher naman si Gabrielle Carballo sa 11th Miss Eco International na idinaos ang gabi ng koronasyon sa Helnan Antoniades Palace Hotel sa Alexandria, Egypt.
Naging mailap kay Gabrielle ang suwerte, pero siya ang tumanggap ng special award na Miss Eco Top Model.
Si Palmira Ruiz ng Mexico ang successor ni Alexie Brooks ng Pilipinas bilang Miss Eco International 2026.
First runner-up si Mishel Shotropa ng Ukraine; second runner-up si Adriana Gravador ng Australia; third runner-up si Nickyta Aurellia ng Indonesia; at fourth runner-up si Joana Camargo ng Brazil.
Read: Miss Universe Philippines 2026 winning answer
View this post on Instagram