Mapapanood sa GMA-7 simula ngayong Lunes ng gabi, Mayo 25, 2026, ang Taskforce Firewall, ang drama-action series na pinangungunahan nina Miguel Tanfelix, Buboy Villar, Jak Roberto, Kyline Alcantara, at Kylie Padilla.
Ayon sa direktor ng Taskforce Firewall na si Rico Gutierrez, halaw mula sa mga tunay na pangyayari ang iba’t ibang klase ng cybercrime na tatalakayin sa kanilang programa.
Hindi mauubusan ng kuwento ang Taskforce Firewall dahil sa dami ng mga kaso ng cybercrime—phishing (deceptive data theft), hacking (unauthorized system access), spoofing (falsified identity fraud), accounts payable fraud (vendor payment scam), identity theft (stolen personality identity), at video scandal.
Isa sa mga cast member ng Taskforce Firewall ang naging biktima noon ng video scandal, pero pinili niyang manahimik na lamang.
Read: Ogie Alcasid reveals Regine Velasquez underwent voice treatment ahead of Finale concert
JAK ROBERTO WARNS PUBLIC AGAINST GIVING OUT otp online
May payo si Jak tungkol sa mga scammer na nagpapadala ng text message at hinihingi ang one-time password (OTP) ng mga bibiktimahin.
Base sa personal na karanasan ang kanyang kuwento.
“Huwag tayong magbigay ng OTP," sabi ng Kapuso actor.
"Sa panahon ngayon, kahit mismo yung bangko na nagbibigay sa atin ng billing, sa credit card, na-experience ko na yan, sila mismo ang nagte-text.
“Minsan, na-encounter ko yan. Tinanong ko sa bank teller kung totoo yan.
"Sabi niya, ‘Huwag kang mag-leak [ng information] sa link kasi napapasok na rin pala ng mga scammer yung mga ginagamit ng mga bangko.
“May nakalagay na mag-e-expire na in just three days yung PHP6,500, yung mga redeemable points.
"Huwag na huwag po kayong magke-claim, huwag kayong magbibigay ng OTP.
"At sabihan na rin natin yung family natin, loved ones, about that, para hindi lang tayo ang napoprotektahan, pati yung mga mahal natin sa buhay.”
Saad pa ni Jak: “Ngayong digital age, napapanahon talaga itong Taskforce Firewall. Lahat ngayon nakatutok na sa cellphone, sa Internet, sa social media.
“Diyan nakakita ng opportunity yung mga scammer.
"So, hindi nabibigyan ng pansin, para sa akin, yung social media, yung mga scammer, at yung mga nakuhanan ng pera.
“Tinackle namin sa Taskforce Firewall about mga scandal, sexploitation, marami pa.
"Lahat ng tungkol sa cybercrime na tinututukan ng PBI [Philippine Bureau of Investigation], yun ang ipinakita namin sa mga tao.”
Read: Thai superstars Nadech Kugimiya and Yaya Sperbund hold second wedding in Norway
BUBOY VILLAR ON SYNDICATES TARGETING OLD PEOPLE
Pinaboran ni Buboy ang paalaala ni Jak para hindi magtagumpay ang mga cybercrime syndicate.
Ang madalas na pinupuntiryang biktimahin ng mga sindikatong ito ay mga matatanda na kulang ang kaalaman tungkol sa modern technology at madaling maniwala sa mga text message na natatanggap nila.
Ani Buboy: “Ang savings natin nawala dahil sa isang pindot lamang ng mga masasamang tao.
“Napagsasamantalahan na yung savings natin, so malaking aral ito para sa mga lolo at lola natin.
"Dahil bilang isang apo, napapayuhan ko yung mas may edad sa akin, na ito yung understanding namin tungkol sa cybercrime at sa mundo ng Internet.
"Magandang pag-usapan sa family."
Nababahala rin si Buboy sa nakikita niyang nakasanayan at naging normal na ang pagtutok ng mga kabataan sa cellphone.
Read: Amy Austria on why she never stresses over "pasaway" co-stars