Hindi pa opisyal na inaamin nina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala ang kanilang relasyon.
Ngunit tila kinumpirma na ito ng ex-girlfriend ni Mark, ang Kapuso actress na si Ashley Ortega, sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, Mayo 25, 2026.
Si Ashley at ang co-star niya sa Apoy Sa Dugo na si Elle Villanueva ang mga panauhin ni Boy Abunda sa programa nito, at tungkol sa mga dating karelasyon ang paksa ng kanilang pag-uusap.
Tanong ni Boy kay Ashley: “It’s being rumored now that Mark is with our dear friend and I love her, Kathryn Bernardo, pero hindi pa sila nag-o-official. We don’t know the status pero nababasa ko rin katulad nating lahat. Ano ang reaksiyon mo nung nalaman mo yon?"
“Reaction ko?” natatawa at patanong ding sagot ni Ashley.
“Si Kathryn kasi, I idolize her as an actress. So parang, 'Wow, ang suwerte naman ni Mark. Nakakuha siya ng Kathryn Bernardo.'
"But again, I am happy for the both of them, and I am just happy for them.
"Kasi it’s been years na din and, finally, nakahanap siya [Mark] ng mabuting decent girl.
"So, I am happy for the both of them,” sabi ni Ashley, na tila hindi namalayan na kinumpirma niyang may relasyon na ang kanyang ex-boyfriend at si Kathryn.
Read: Ashley Ortega "no communication" with ex-boyfriend Mayor Mark Alcala after breakup
ASHLEY NOT FRIENDS WITH MARK
Nang magtanong si Boy kung magkaibigan sila ni Mark, “No” ang sagot ni Ashley.
Paliwanag ng aktres, “I don’t think we’re friends anymore kasi ever since nag-break kami, we never saw each other na and we never talk na rin.”
Bad breakup ang nangyari sa kanila ni Mark?
Ayon kay Ashley, “I don’t think it was a bad breakup. It was mutual. I think yun na talaga."
Dagdag pa niya, "We just never bump into each other.
“Siguro if dumating yung time na we bump into each other, of course, I am gonna say hi.”
Nag-umpisa ang relasyon nina Ashley at Mark noong 2020.
Pero bago natapos ang 2022, napabalitang nagwakas na ang kanilang pagmamahalan.
Pero kinumpirma lamang ito ng aktres noong Marso 2023.
Read: Ashley Ortega, hiwalay na sa boyfriend na si Lucena Mayor Mark Alcala

Noong Hulyo 2024, inilabas ng PEP ang ulat tungkol sa panliligaw ni Mark kay Kathryn.
Read: Lucena Mayor Mark Alcala, nanliligaw rin kay Kathryn Bernardo
Nasundan ito ng mga “sighting" sa kanila sa mga mall at sa Bangkok, Thailand.
Pero hindi pa sila nagsasalita tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila.
Related Stories: