Si Heart Evangelista ang host ng The People Have Spoke kaya mali ang mga haka-hakang programa ni Vice Ganda ang bagong game show ng GMA-7.
Nagkaroon ng mga espekulasyong si Vice ang host ng The People Have Spoken dahil sa balitang namataan siya sa Kapuso Network compound, dalawang linggo na ang nakalilipas.
Tinanong din ito sa It's Showtime co-host ni Vice na si Ogie Alcasid nang humarap ang singer-comedian sa entertainment press noong Mayo 21, 2013 para sa kanyang Father’s Day concert, ang Daddyokie.
Malabong maging host ng The People Have Spoken si Vice dahil siya pa rin ang emcee ng Season 4 Everybody Sing, ang community singing game show ng Kapamilya Channel na nagbalik-telebisyon noong Mayo 2.
Tulad ng game show ni Vice, matutunghayan din tuwing Sabado ang upcoming game program ni Heart.
Read: Ogie Alcasid reacts to rumors about hosts leaving It’s Showtime

HEART EVANGELISTA TO HOST THE PEOPLE HAVE SPOKEN
Ngayong Lunes, Mayo 25, opisyal na inanusiyo ng GMA-7 na si Heart ang host ng The People Have Spoken, isang original Filipino game show na mapapanood simula sa Hunyo 6.
Co-host ni Heart sa The People Have Spoken si Sean Lucas.

Mag-uumpisa ang taping nila para sa kanilang Saturday night program sa Miyekules, Mayo 27.
Sa Fast Talk with Boy Abunda araw, inanunsiyo ni Boy ang tungkol sa bagong proyekto ni Heart sa Kapuso network.
Bahagi ng kanyang pahayag: “Sa show na ito, kailangang mapulsuhan ng mga celebrity contestant ang opinyon ng 100 studio audience tungkol sa iba’t ibang issues para manalo.
“First time mag-host ni Heart ng game show. Ayon sa kanya, excited na siyang makipaglaro, makipagkulitan, at ibahagi ang kanyang sariling views sa mga tanong.
“Makakasama ni Heart as co-host ang Sparkle actor na si Sean Lucas.
"Ayon kay Sean, hindi siya makapaniwala na siya ang napili to co-host with Heart after going through an audition.
“Alam ninyo po, Sean is one of my students in hosting. He’s a very smart and opinionated young man kaya I think bagay sa kanya ang show na ito.”
Read: BLIND ITEM: Prized talent, nakipag-meeting sa network executives