PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

“Green fireball” over Mayon Volcano amazes netizens worldwide

PHIVOLCS clarifies viral meteor incident at Mayon Volcano.
by Jojo Gabinete
Published 14 hours ago
mayon volcano green fireball
A rare “green fireball” lights up the skies above Mayon Volcano during its ongoing eruption. While PHIVOLCS clarifies that the meteor disintegrated before impact, the breathtaking footage quickly went viral worldwide.

Pinag-uusapan sa maraming panig ng mundo ang isang pambihirang pangyayari na mapanganib pero makapigil-hiningang tanawin na malinaw na nakunan ng nakatutok na kamera.

Ito ang video ng pagbagsak ng meteor na inilarawan bilang "green fireball" sa Mayon Volcano habang sumasabog ito.

Nangyari ang pagbulusok ng meteor mula sa kalawakan noong Lunes, Mayo 25, 2026, sa ganap na 10:33 ng gabi.

Naka-monitor ang mga tauhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa pag-aalburoto ng Mayon Volcano kaya malinaw na nakunan ng video ang insidenteng minsan lamang mangyari.

Maituturing itong isang phenomenon.

Agad na iniulat ng PHIVOLCS ang pangyayari sa kanilang official Facebook page.

Nakasaad dito: ”LOOK!!! PHIVOLCS’ Ligñon Hill IP Camera records a meteor striking the northern slopes of Mayon Volcano at 10:33 PM this evening, 25 May 2026.”

Read: UPOU offers microcredential courses you can finish in four weeks

PHIVOLCS MAKES A CLARIFICATION

Pero makalipas ang ilang oras at matapos ang masusi na pagsusuri, binawi ng PHIVOLCS ang ibinahaging impormasyon dahil hindi tinamaan ng bumagsak na meteor ang northern slopes ng bulkan na kilala sa pagkakaroon ng perfect cone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Our review of seismic, infrasound and additional camera footages around the volcano indicate that the meteor disintegrated while in the atmosphere and did not strike the slopes of Mayon, contrary to our initial post,” pagtutuwid ng PHIVOLCS sa kanilang unang ulat.

Tinamaan man o hindi ng meteor ang Mayon Volcano, matinding pagkamangha ang naramdaman ng mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo nang mapanood ang video na kanilang napanood.

Para sa mga naniniwala sa pamahiin, isang babala na posibleng may hindi magandang mangyari ang kahulugan ng pagbulusok ng meteor sa isang sumasabog na bulkan.

Pero hindi na sineseryoso ng mga Pilipino ang tinutukoy na omen o masamang pangitain.

Bago pa man ito maganap, marami nang pangit at negatibong pangyayari sa Pilipinas na kagagawan ng mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa korapsyon at ganid sa kapangyarihan kaya patuloy na naghihirap ang mga mamamayan.

Samantala, hindi nagkulang ang PHIVOLCS sa paghahatid ng babala tungkol sa patuloy na pagsabog ng Mayon Volcano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Effusive eruption at Mayon Volcano continues for the 141st consecutive day, generating incandescent lava flows, pyroclastic density currents (PDC) or 'uson,' and rockfalls. Alert Level 3 prevails over Mayon and entry into the 6-km Permanent Danger Zone should be prohibited,” bagong paalaala ng PHIVOLCS ngayong Martes, Mayo 26, para sa lahat ng mga naninirahan nang malapit sa Mayon Volcano.

Read: Enrique Gil owns farm, home in Spain, beachfront property, 7 lots

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A rare “green fireball” lights up the skies above Mayon Volcano during its ongoing eruption. While PHIVOLCS clarifies that the meteor disintegrated before impact, the breathtaking footage quickly went viral worldwide.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results