Nakabalik na ng Pilipinas ang aktres na si Bea Alonzo.
Nag-taping na siya noong Lunes, Mayo 25, 2026 para sa Whispers From Heaven, ang Kapuso drama series na pinagbibidahan niya.
Sa Antipolo City kinunan ang mga eksena.
Kinumpirma sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, Mayo 26, na balik-trabaho na si Bea.
Ibinahagi sa programa ang ilang mga kinunang eksena ng aktres sa Whispers From Heaven.
Kasama ni Bea sa mga ipinakitang behind-the-scene clips ang kanyang kapareha na si Tom Rodriguez at ang direktor nilang si Zig Dulay.

“I got this from somebody from drama that bumalik na po si Bea sa kanyang taping for the serye Whispers From Heaven.
"Nakakatuwang balita po ito at inaabangan ho talaga ang pagbabalik-telebisyon at trabaho ni Ms. Bea Alonzo.
"Bea, congratulations. We’re very very happy. One of our finest actresses,” pahayag ni Boy tungkol sa pagbabalik ni Bea sa pag-arte.
Read: Whispers From Heaven prod team clarifies Bea Alonzo’s taping sked

BEA'S FIRST PUBLIC APPEARANCE AFTER THE WEDDING ISSUE
Ang behind-the-scene clips mula sa Whispers From Heaven ang unang pagkakataong nasilayan si Bea sa telebisyon pagkatapos maging kontrobersiyal at malaking usapin ang isyu ng pagpapakasal nila ng businessman na si Vincent Co.
Nananatiling palaisipan at marami ang naghihintay sa katotohanan tungkol sa misteryo ng pag-iisang-dibdib nina Bea at Vincent sa Spain, na tila matatagalan bago magkaroon ng kasagutan dahil tahimik ang magkabilang panig.