Ang pagbisita ni Zhang Yingfei sa Pilipinas ang ibinalita ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry,Inc. (FFCCII) sa media conference na ipinatawag nila ngayong Miyerkules, Mayo 27,2026.
Read: VIRAL: Bakit trending sa Pilipinas si Linda Walker?
Si Zhang ang bida sa Chinese vertical drama na The Heiress Who Won With Brains pero mas kilala siya ng mga Pilipino sa pangalang Linda Walker.
Si Linda ang babae na kamangha-mangha ang katalinuhan at nakakuha ng 719 score sa isang mock exam.
Nakatakdang dumating sa bansa si Zhang sa Hunyo 7, 2026 at mananatili siya hanggang Hunyo 11, 2026 dahil bibisita siya sa mga paaralan para sa "Linda Walker Visits The Philippines to Promote Education for a Better Future."
Sa Hunyo 2026 ang school opening sa Pilipinas, at gusto ng FFCCII na himukin ang mga kabataan na bigyan ng importansya ang pag-aaral kahit mahirap ang buhay dahil may pag-asa sa edukasyon.
Kaya inimbitahan nila si Zhang na dumalaw sa bansa para magbigay-inspirasyon sa mga kabataang makakasalumuha niya.
Ang oldest public school sa Quezon City, ang Quezon City High School ang isa sa mga paaralan na personal na pupuntahan ni Zhang sa Hunyo 9, at sasamahan siya ni Education Secretary Sonny Angara.
Sinabi ng FFCCII na welcome ang mga tagahanga ni Zhang sa pagsalubong sa kanyang pagdating sa NAIA Terminal 3.

Read: Chinese star Zhang Yingfei nagulat na siya pala si Linda Walker
WHO IS ZHANG YINGFEI?
Lin Siwang ang pangalan ng karakter ni Zhang sa The Heiress Who Won With Brains, pero ginawa ito na Linda Walker sa Tagalog-dubbed version ng Chinese vertical drama na tinangkilik ng mga Pilipino at nag-trend sa social media noong Pebrero 2026.
The Real Heiress She Is a Top Student ang orihinal na pamagat ng drama series nang una itong ipalabas sa China noong Setyembre 2025.
Walang kamalay-malay si Zhang na sikat siya sa Pilipinas at hindi rin nito alam na Linda Walker ang ginamit na pangalan ng kanyang karakter sa Tagalog version ng The Heiress Who Won With Brains.
Nalaman lang ni Zhang na popular siya sa Pilipinas at maraming Pilipino ang tagahanga niya dahil sa social media.