Malakas pa rin ang hatak ng South Korean movies sa mga Pilipino.
Pinatunayan ito ng Colony, ang action-horror movie na nagbukas sa Philippine cinemas noong Miyerkules, Mayo 27, 2026.
Lead actress sa Colony ang highest-Korean paid actress na si Jun Ji-Hyun, na popular sa mga Pilipino dahil sa kanyang mga hit series na My Sassy Girl, Kingdom, Legend of the Blue Sea, at My Love from the Star.
Kasama rin sa pelikula si Ji Chang-wook, isa sa mga Korean male star na sikat sa Pilipinas dahil hinahangaan din ng Pinoy fans.
Nasa cast din ng Colony sina Koo Kyo-hwan, Shin Hyun-bin, Kim Shin-rok, at Go Soo.
Read: Jake Cuenca confirms relationship with Rabiya Mateo

COLONY PREMIERE AT CANNES
Unang ipinalabas ang Colony sa Midnight Screenings section ng 79th Cannes Film Festival sa Cannes, France, noong Mayo 15, 2026.
Dumalo sa Cannes 2026 ang multi-awarded writer na si Senedy Que.
Sinabi niya sa Cabinet Files na hindi siya nagkaroon ng pagkakataong mapanood ang Colony dahil madalas na sold-out ang tickets.
Holiday sa Pilipinas noong Mayo 26 dahil sa Eid al-Adha, isa sa dalawang main festivals ng Islam.
Dahil walang pasok, marami ang nanood ng Colony.
Ayon sa ulat, kumita ito ng PHP20 million sa unang araw ng pagtatanghal sa mga sinehan.
Pinatotohanan ng isang Cabinet Files source na certified blockbuster ang Colony dahil wala raw bakanteng silya nang manood sila ng kanyang mga kasama sa isang sinehan sa Taguig City noong Miyerkules, Mayo 27.
Paglabas nila, mahaba raw ang pila ng mga taong naghihintay sa susunod na screening ng pelikula ni Jun Ji-hyun.
Kasabay ng Colony na nagbukas sa nationwide cinemas noong Miyerkules ang Filipino movie na Tayo sa Wakas, ang huling pelikula nina Donny Pangilinan at Belle Mariano bilang loveteam.
Base rin sa mga ulat, PHP12 million daw ang first-day gross ng DonBelle movie.
Read: Bea Alonzo resumes Whispers From Heaven taping amid wedding speculations