PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why Kathryn may not confirm relationship with Mark yet

Is Someone, Someday behind Kathryn Bernardo’s silence on Mark Alcala?
by Jojo Gabinete
Published 13 hours ago
kathryn mark james
Kathryn Bernardo (in both photos) and Mark Alcala (left) may not be confirming their relationship anytime soon. An industry source claims concerns over Kathryn’s upcoming series with James Reid (right) are among the reasons for the continued silence.
PHOTO/S: X / ABS-CBN Entertainment

Matagal nang hinihintay ng marami ang pag-amin nina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala tungkol sa kanilang relasyon.

Pero ayon sa isang network insider, malabo pa ang posibilidad na magsalita ang dalawa dahil sa pakiusap ng mga tao sa paligid ng 30-year-old actress.

Diumano, may kinalaman ang Someone, Someday kaya tikom muna ang bibig ni Kathryn tungkol sa relasyon nila ni Mark.

Ang Someone, Someday ang upcoming romantic-thriller series na pagtatambalan nina Kathryn at James Reid.

Sinabi ng network insider sa Cabinet Files na nag-aalala ang mga nagmamalasakit sa hindi pa naipalalabas na programa nina Kathryn at James.

Baka raw maapektuhan ito kapag inamin ng aktres sa publiko ang kanyang pakikipagrelasyon kay Mark.

Read: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, nag-"soft launch" sa Thailand?

NO CONFIRMATION NEEDED

Madalas nakikita sina Kathryn at Mark na magkasama sa mga mall bago pa sila bumiyahe sa Thailand noong Marso 2026.

Maraming beses nang nakunan ng litrato ang dalawa kaya hindi na kailangan ng direktang pag-amin mula sa kanila dahil sapat na ang mga larawan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila naging pabor pa nga kina Mark at Kathryn ang nakaraang pahayag ni Ashley Ortega sa Fast Talk with Boy Abunda dahil kahit hindi sila umaamin o nagsasalita, may ibang taong nagpatotoo na may relasyon sila.

Si Ashley ay ex-girlfriend ni Mark.

Sa interbyu sa kanya ni Boy Abunda noong Mayo 25, 2026, parang kinumpirma niya ang relasyon ng alkalde ng Lucena City kay Kathryn.

Pahayag ni Ashley: “'Wow, ang suwerte naman ni Mark. Nakakuha siya ng Kathryn Bernardo.

"But again, I am happy for the both of them, and I am just happy for them.

"Kasi it’s been years na din and, finally, nakahanap siya [Mark] ng mabuting decent girl, so I am happy for the both of them.”

Read: Did Ashley Ortega just confirm Kathryn-Mark relationship?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo (in both photos) and Mark Alcala (left) may not be confirming their relationship anytime soon. An industry source claims concerns over Kathryn’s upcoming series with James Reid (right) are among the reasons for the continued silence.
PHOTO/S: X / ABS-CBN Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results