PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedian Inah Evans proudly embraces "Baklang Kanal" moniker

From barong-barong to spotlight: Inah Evans embraces being a "Baklang Kanal."
by Jojo Gabinete
Published 15 hours ago
inah evans
Comedian Inah Evans proudly embraces the "Baklang Kanal" moniker that made her famous, while opening up about her humble beginnings, childhood struggles, and journey to success ahead of her first major solo live show.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Facebook

Sa kauna-unahang pagkakataon, naranasan ng stand-up comedian na si Inah Evans, 37, na magkaroon ng solo presscon noong Miyerkules, Mayo 27, 2026.

Kabado siyang humarap sa entertainment media para sa presscon ng kanyang unang major solo live show, ang The Baklang Kanal Show, na itatanghal sa Music Museum sa Hulyo 10, 2026.

Nakilala si Inah dahil sa impersonation niya kay Roderick Paulate at sa kanyang vlog na naging popular noong panahon ng pandemya.

Saad niya: “Yung The Baklang Kanal Show kasi, yun ang vlog ko.

"So, ever since naman kasi, lagi akong tinatawag na baklang kanal, that’s my moniker.

"So, inangkin ko na talaga yan simula pa nung bata ako."

the baklang kanal show
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE BIRTH OF INAH EVANS

Inusisa ng Cabinet Files si Inah Evans kung saan nanggaling ang kanyang screen name.

Lahad niya: “Ang totoo kong pangalan ay Paul dahil yung nanay ko po ay napakarelihiyosa. Gusto niya akong ipangalan sa nagsulat ng Bible.

“Pero yung Inah Evans, galing po yon sa word na Dolphina. Character po yun ni Rufa Mae Quinto sa Marinara [2004] kasi sobrang fan po ako ng Marinara before.

“Dahil Dolphina yung character niya na mermaid, yun ang ginamit ko na username way back 2004, noong sumasali ako sa dating social media platforms.

“E, ang haba, so iniigsian na lang ng mga taong nakikilala ko, Inah na lang. Kasi kung Dolphy naman, parang hindi pasabog.

“Tapos yung Evans, nadagdag na lang. Kasi sabi ko, bilang bakla, dapat may apelyido.

"Naisip ko lang mula sa High School Musical, sobrang fan ako ni Sharpay Evans kaya naging Inah Evans.”

Read: Senator Robin Padilla faces backlash over "force majeure" argument

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

INAH EVANS'S LATE FRIEND WHO FIRST CALLED HIM "BAKLANG KANAL"

Hindi naman nawawala sa alaala ni Inah si Miguel Ruiz, ang pumanaw niyang kaibigan na unang tumawag sa kanya na "baklang kanal."

Saad ng comedian: “Patay na siya ngayon, sayang, si Miguel Ruiz. He’s a very handsome guy na friend ko.

"Parang bago pa lang noon ang BGC. Palagi silang gumigimik doon.

"Tapos lagi akong nagsasabi sa kanya na, 'Dalhin mo naman ako doon minsan.’

“Sabi niya, ‘Sobrang kanal mo! Hindi ka bagay doon.’

“Hindi naman niya mini-mean yung 'baklang kanal' as derogatory.

"Pero, parang sinasabi niya na sobrang loud ko nung bata pa ako, as in wala talaga akong manners, social manners at all."

Pagpapatuloy niya: "Nung narinig ko yon, sabi ko, 'Dapat yung term na ito, puwede kong gamitin to my advantage.'

"Ganoon talaga ako growing up, everything na ibinabato sa akin, mga insecurity, ginagamit ko talaga as stepping stone.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kaya yung baklang kanal, nire-redefine ko lang na it’s something unapologetic, loud, real, raw—and yun naman kasi talaga ako."

Read: Enrique Gil, 34, owns farm, beachfront property, home in Spain, 7 prime lots

UNDISCOVERED TALENT

Para sa marami, si Inah ay mahusay na komedyante at marami ang humahanga sa kanyang talento sa pagpapatawa.

Pero ang mga katangiang ito, ayon sa kanya, ay hindi pa niya natutuklasan.

“Parang hanggang ngayon naman, hindi ko pa po nadi-discover. Laging yung mga tao ang nakaka-discover.

“Siguro, parang naturally funny lang ako. Lagi kong napapansin na meron akong ability to make people happy.

“Elementary pa lang, jester na ako. Yung parang kapag walang teacher, pupunta ako sa harap. Gusto ko talaga palaging nagpapatawa.

“Sa araw-araw, siya yung escape ko before, kasi sobrang kanal talaga ng buhay namin. Parang ayokong laging nasa bahay dahil sobrang squatter namin dati.

“Feeling ko, para lagi akong may kasama, para ako ma-belong to certain people o kapitbahay, dapat funny ako,” pagbabahagi ni Inah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE OTHER SIDE OF BEING A COMEDIAN

Gaya ng ibang magagaling na komedyante, malungkot noon ang buhay ni Inah dahil sa naranasang kahirapan.

Pero hindi raw ito naging hadlang para mangarap siyang magkaroon ng magandang buhay.

“Sa totoo lang, yung bahay namin dati nung bata pa ako, nasa gilid talaga kami ng kanal," sabi ni Inah.

“Malungkot din po talaga ang buhay ko growing up kasi nasa barong-barong kami, walang kuryente, walang ilaw.

“Nakaalis lang po kami sa barong-barong nung nag-call center na ako noong college pero hindi rin po ako nag-graduate [I.T. course] ng college kasi nagtrabaho na po ako.

“Dati po kasi, yung kaming magkapatid, may blackboard ako dun sa barong-barong, so magdo-drawing ako. Kinukuwentuhan ko palagi yung kapatid ko.

“Parang TV namin yung blackboard. Ine-entertain ko lang yung kapatid ko.

“Lagi kong iniisip, makakaalis pa kaya kami dito kasi sobrang hirap talaga, as in hindi kami nakakakain ng tatlong beses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Papasok kami nang lukot yung damit, hindi nakakaligo. Tapos yung nanay ko, nag-iigib ng tubig sa bumbero.

"Kapag lumalaki ka sa ganoong klase ng environment, feeling mo, wala ka nang labas."

Dagdag niya: "Pero yung nanay ko, lagi niyang sinasabi na, 'Kahit walang baon, pumasok ka kasi kailangan maging matalino ka. Yun lang ang way para makaalis ka sa hirap.'

"At tumatak talaga iyon sa akin.

“Kapag gabi, nasa ilalim ako ng streetlight sa kanto kasi dun ako nagbabasa, gumagawa ng mga assignment.

"Minsan kahit walang pasok, nasa library ako. Mahilig akong magbasa.

"Naglalakad ako hanggang SM Sta. Mesa para sa National Bookstore, nagbabasa ako ng libro."

Malaki raw ang pasasalamat ni Inah sa kanyang mga magulang.

“Looking back, kapag tinitingnan ko yon ngayon, mabuti na lang hindi kami nag-rugby noong mga bata pa kami.

“Buti na lang yung nanay ko, yung tatay ko, pinu-push kaming mag-aral,” nakangiting pagbabahagi ni Inah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtagumpay si Inah na makaalis mula sa barong-barong dahil sa kanyang sipag at pagsisikap.

Mula sa barong-barong na tinitirhan nila sa Sampaloc, Maynila, nasa Amerika na ang mga magulang ni Inah dahil sa petisyon ng kanyang kapatid na nakapag-asawa ng Amerikano.

Pero kahit naninirahan sa malayong lugar, sinusubaybayan daw ng kanyang mga magulang ang mga nangyayari sa showbiz career ng kanilang "baklang kanal" na anak.

Read: Child abuse complaint vs Rob Sy and partner junked

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Inah Evans proudly embraces the "Baklang Kanal" moniker that made her famous, while opening up about her humble beginnings, childhood struggles, and journey to success ahead of her first major solo live show.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results