PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MGI All Stars sidelights, pageant hosts, controversial judges

Michelle asks Nawat: "Papa, is a back-to back-to back even possible?"
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
MGI All Stars sidelights, pre-pageant hosts, and judges
MGI All Stars delivers colorful happenings including Michelle Dee (leftmost) on hot seat and Psi Samut Scott (with floral necklace on inset) getting caught up in a controversy.

Matagal nang pinag-uusapan ang posibilidad na pagsali ng aktres at Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee sa Miss Grand International (MGI).

Muli itong naungkat nang maging co-host siya noong Huwebes, Mayo 28, 2026, sa Preliminary Round 2 ng inaugural edition ng MGI All Stars—na ngayong Sabado, Mayo 30, ang koronasyon.

Read: Michelle Dee, interesadong sumali sa 1st MGI All Stars

Ang reigning Miss Grand International at kapwa Pilipina na si Emma Tiglao ang nagtanong kay Michelle tungkol sa posibleng pagsali nito sa Thailand-based beauty pageant habang nasa entablado sila ng MGI All Stars.

Ikinagulat ni Michelle ang hindi inaasahang tanong ni Emma kaya ipinasa niya ang tanong kay MGI founder at president na si Nawat Itsaragrisil.

"Papa, is a back-to back-to back even possible?" ang nakangiting reaksyon ni Michelle.

Dalawang Pilipina na kasi ang magkasunod na taong nagwagi ng MGI crown at title, sina Christine Juliane Opiaza (2024) at Emma(2025).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lima ang mga Pilipino na opisyal na kandidata sa MGI All Stars—sina Gazini Ganados, Alexia Nunez, Fuschia Anne Ravena, Imelda Schweighart, at Keylyn Trajano.

Read: Ella Cruz no regrets about short stint in South Korea

MGI ALL STARS PAGEANT HOSTS

Pero hindi lamang sila ang gumawa ng ingay sa international pageant na kanilang sinalihan dahil tumanggap din ng mga papuri ang hosting skill nina Michelle, Emma at CJ.

Si CJ ang host ng Welcome All The Stars Event at Preliminary Round 1 ng MGI All Stars, samantalang sina Michelle at Emma ang mga host ng Preliminary Round 2, kasama si Miss Thailand Universe 2019 finalist Paweensuda “Fahsai” Drouin.

Medyo sumablay lang si Michelle nang ipakilala nito ang isa sa mga hurado, si Natalie Glebova bilang "Miss Universe 2025."

Si Natalie ang kinatawan ng Canada sa 54th Miss Universe at nanalo siya noong 2005, hindi 2025, sa koronasyon na ginanap sa Bangkok, Thailand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Handsome doctor goes viral after helping passenger on flight

MGI ALL STARS JUDGES

Bukod kay Natalie, mga hurado sa inaugural edition ng MGI All Stars ang mga sumusunod: Venezuelan pageant entreprenur Osmel Souza, French composer Omar Harfouch, Miss Universe 1992 Lupita Jones, environmental activist Psi Samut Scott, at Filipino international shoe designer Jojo Bragais.

Mahilig sa gimik at kontrobersya ang reputasyon ni Nawat kaya pinaniniwalaang may kinalaman siya sa pagpili kina Harfouch, Jones, at Scott bilang hurado ng 1st MGI All Stars para mapag-usapan ito.

Mga kritiko ng Miss Universe Organization sina Jones at Harfouch, at pareho silang tutol nang si Fatima Bosch ng Mexico ang manalo na 74th Miss Universe noong Nobyembre 2025.

Inakusahan ni Harfouch ng pandaraya si Raul Rocha, ang Mexican president ng Miss Universe Organization dahil pinaboran umano nito si Bosch.

PSI SAMUT SCOTT CONTROVERSY

Bago ipinakilala si Scott na hurado ng MGI All Stars, malaking balita sa Thailand ang umiiyak na paglantad niya, sa pamamagitan ng isang video confession, ang mabigat na paratang tungkol sa sekswal na pang-aabuso umano sa kanya ng sariling kapatid na si Sunit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagmula sina Scott at Sunit sa bilyonaryong pamilya sa Thailand na nagmamay- ari sa sikat na Singha beer.

Nakatulong ang partisipasyon ni Scott bilang isa sa mga hurado ng bagong tatag na international beauty pageant ni Nawat dahil lalo itong umingay at pinag-usapan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MGI All Stars delivers colorful happenings including Michelle Dee (leftmost) on hot seat and Psi Samut Scott (with floral necklace on inset) getting caught up in a controversy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results