Mapapanood na simula sa Hunyo 22, 2026 ang Sigabo, ang action-drama series ng real-life couple na sina Coco Martin at Julia Montes.
Read: PEP Most Influential 2024 Male TV Royalty: Coco Martin
Ang Sigabo ang follow-up project ni Coco sa Batang Quiapo, ang highly successful action-drama series niya na napanood mula Pebrero 2023 hanggang Marso 2026 sa Kapamilya Channel at TV5.
Nahinto ang pagpapalabas ng Batang Quiapo sa TV5 noong Enero 2026 dahil nagkaroon ng isyu sa pagitan ng Kapatid at Kapamilya network management, ang kanselasyon ng kanilang content supply agreement.
Read related articles:
- ABS-CBN responds to TV5 pulling the plug on content partnership
- TV5 and ABS-CBN landmark deal is now official
- TV5: "ABS-CBN has failed to pay what is due."
Pero may mga balitang ipalalabas ang Sigabo sa TV5 dahil diumano, may negosasyon na nagaganap para rito.
Malalaman ang katotohanan sa mga susunod na araw bago maganap sa Hunyo 22 ang pilot telecast ng programa ni Coco.

Read: Ella Cruz no regrets about short stint in South Korea
POSSIBLE TIMESLOT OF SIGABO ON TV5
Kung sakaling matuloy ang kasunduan ng magkabilang-panig, may posibilidad umano na ilipat sa pang-hapon na oras ang isa sa mga primetime program ng TV5 bilang pagbibigay-daan sa Sigabo.
Ang CCM Film Productions, ang film company ni Coco, ang isa sa mga producer ng Sigabo.
Alam ng lahat na maganda ang relasyon niya sa TV5 kaya marami ang naniniwala na malaki ang tsansa na ipalabas sa Kapatid Network ang kanyang bagong programa.