Napanood sa YouTube channel ni Matteo Guidicelli ang talk show nitong Matteo G Primetime noong Sabado, Mayo 30, 2026.
Malaking palaisipan ito sa kanyang mga tagahanga at sa mga sumusubaybay sa programa niya.
Ang Matteo G Primetime ang show ni Matteo sa Bilyonaryo News Channel.
Noong Miyerkules, Mayo 27, 2026, inanunsiyo ng actor-TV host sa kanyang social media accounts na ang mag-asawang Kim Molina at Jerald Napoles ang mga bisita niya.
View this post on Instagram
Pero makalipas ang ilang araw, inimbitahan ni Matteo ang lahat na panoorin sa Sabado sa kanyang YouTube channel ang panayam niya kina Kim at Jerald.
Read: Handsome doctor goes viral after helping passenger on flight
View this post on Instagram
What Happened to Matteo G Primetime?
Lumutang ang balita na, diumano, may malalim na isyu sa pagitan ni Matteo at ng news channel management dahil sa guesting niya sa Frontline Pilipinas noong Huwebes, Mayo 28, 2026.
Ang Frontline Pilipinas ang primetime news program ng TV5 na binisita ni Matteo para i-promote ang Patriots, ang kanyang 12-episode documentary-anthology series na siya ang host at mapapanood sa Kapatid Network.

Diumano, ang guesting ni Matteo sa TV5 bilang guest anchor ang naging mitsa kaya nagkaroon ng lamat ang relasyon nila ng kanyang home station.
Pumirma ng kontrata si Matteo sa news channel na pinaglilingkuran niya noong Oktubre 2025, at naging bahagi siya ng show na Agenda.
Nag-umpisa naman noong Abril 11, 2026 ang Matteo G Primetime, na mabilis na gumawa ng ingay dahil sa mga kontrobersiyal at nakakaintrigang pagtatanong ni Matteo sa kanyang mga naging bisita — ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo; Piolo Pascual; Nico Bolzico at Erwan Heussaff.
Ngayong Linggo, Mayo 31, nakipag-ugnayan ang Cabinet Files sa kinatawan ni Matteo para sa panig ng aktor, pero hindi pa siya sumasagot.
Samantala, hindi pa naglalabas ng paliwanag ang management ng Bilyonaryo News Channel tungkol sa pinaghihinalaang kanselasyon ng programa ng TV host/actor dahil sa paglabas nito sa TV5.
Read: Robin Padilla faces backlash over "force majeure" argument