Ibinahagi ng former ABS-CBN News reporter na si Ryan Chua sa social media ang larawan at video ng marriage proposal niya sa kanyang karelasyong si Joe-Marc Hsieh ngayong Linggo, Mayo 31, 2026.
Walong taon nang nagsasama ang dalawa kaya nagdesisyon na si Ryan na alukin ng kasal ang boyfriend niya.
Nangyari ang kanyang proposal sa isang restaurant sa Hong Kong.
Pagsasalarawan sa video proposal na ibinahagi ni Ryan: “He said yes!
"After almost eight years of living like a married couple, we figured we should probably make it official at some point.
"I’m not a romantic by nature but Chowee Hsieh is worth the occasional public display of cheesiness.”
Read: Rumored couple Zen Hernandez and Atom Araullo spotted in Hong Kong
THE ROMANTIC PROPOSAL
Hinintay muna ni Ryan na isilbi ng waiter ang dessert bago siya lumuhod sa harap ni Joe at inalok ito ng kasal.
Pinaghandaan ni Ryan ang importanteng okasyon sa buhay nila ni Joe dahil talagang para sa mga marriage proposal ang dessert na nakalagay sa pinggang puti at may nakasulat na “Will you marry me?” ang inihain ng waiter.
“Sorry to embarrass you but... we’ve been through a lot, so many changes, pero I want you to be the constant in my life,” bahagi ng mga sinabi ni Ryan kay Joe habang nakaluhod siya at hawak ang singsing.
Sunod-sunod na “Yes!” ang sagot ni Joe sa alok na kasal ni Ryan bago nila hinalikan sa labi ang isa’t isa at nagyakapan nang mahigpit.
Nagpapalakpakan ang mga tao sa kanilang paligid na saksi sa romantikong eksena.
Maririnig sa background na tumutugtog ang "‘Til They Take My Heart Away," ang 1989 romantic hit song ng American singer-songwriter na si Clair Marlo.
Read: Matty Juniosa finishes fourth in Britain's Got Talent Season 19
View on Threads
RYAN CHUA'S PAST RELATIONSHIP WITH SEBASTIAN CASTRO
Matagal nang Hong Kong-based sina Ryan at Joe kaya doon nangyari ang kanilang marriage proposal.
Ang model-actor na si Sebastian Castro ang dating karelasyon ni Ryan bago dumating si Joe sa kanyang buhay.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post noong Oktubre 2017, inanunsiyo ni Sebastian ang pagwawakas ng apat na taong relasyon nila ni Ryan.
Hindi sinabi ni Sebastian ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Ryan, pero inilahad niyang marami sa mga miyembro ng LGBTQ community ang tutol sa kanilang pagmamahalan.
Read: Model-actor Sebastian Castro admits breakup with former ABS-CBN reporter Ryan Chua