Nagluto at kumain agad ng adobo si Jojo Bragais nang matapos ang gabi ng koronasyon ng first edition ng Miss Grand International All Stars sa Bangkok, Thailand, noong Sabado, Mayo 30, 2026.
Si Jojo, isang Filipino show designer at entrepreneur, ang isa sa miyembro ng Selection Committee.
Kasama niya sa panel of judges sina Miss Universe 1991 Lupita Jones, Miss Universe 2005 Natalie Glebova, Miss Grand International 2020 Abena Akuaba, Miss Grand International 2022 Isabella Menin, Lebanese-French composer Omar Harfouch, Cuban-Venezuelan beauty pageant entrepreneur Osmel Sousa, at Thai-Scottish environmental activist Psi Samut Scott.
Si Vanessa Pulgarin ng Colombia ang kinoronahang kauna-unahang Miss Grand International All Stars.
Read: MGI All Stars First Edition winner is Vanessa Pulgarin of Colombia
JOJO BRAGAIS'S MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS EXPERIENCE
Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files nitong Linggo, May 31, ibinahagi ni Jojo ang una niyang ginawa pagkatapos ng grand coronation ng Miss Grand International All Stars.
“Kagabi, after the show, nagluto kami ng adobo! During the technical issues sa MGI All Stars final competition, nagpapahanda na ako ng adobo, my comfort food, and I miss the luto of Mama,” sabi ni Jojo, na naghangad ng pagkaing Pinoy dahil sa kanyang matagal na pamamalagi sa Thailand.
Kasunod nito ay ibinahagi rin ni Jojo ang kanyang saloobin sa naging karanasan niya bilang kauna-unahang Pilipino na naimbitahang hurado sa inaugural edition ng MGI All Stars.
Saad niya: “Very refreshing ang judging experience. From live scoring to personally giving the score via microphone live is such an experience to remember.
“There were so many amazing queens from all around the world that came together for the inaugural MGI All Stars.
“The conversation I had with them, the reason behind why sila bumalik, ang dami kong natutunan.
"The MGI Organization, the amazing production, ang super-suwerte ko being one of the judges."
Maliban sa pagkakaroon ng technical issues na ikinaantala ng programa, walang maisip si Jojo na malaking hamon bilang hurado.
Ayon sa kanya, maayos na maayos ang pagpapatakbo ni Nawat Itsaragrisil, ang founder at presidente ng Miss Grand International Organization.
Read: FULL TRANSCRIPT: The winning answer at MGI All Stars

JOJO BRAGAIS'S JUDGING PHILOSOPHY
Sa mga hurado, si Jojo ang pinakamataas magbigay ng puntos sa mga kandidata.
Paliwanag niya sa kanyang pagbibigay ng mataas na puntos: “Nag-score ako base sa tingin ko na tama at nararapat.
"Wala akong binigyan ng score ng below 5 because galing na sila sa respective pageants na sinalihan nila. Lahat sila may napatunayan na.
“I don’t want them to question their worth as ladies. Imagine how they will see themselves after if didibdibin nila yung mga numero na ibinigay namin?”
Paano niya pinaghandaan ang mga responsibilidad ng isang hurado?
Lahad ni Jojo: “Nung sabihin sa akin na kailangang ipakita namin ang scores, more on readiness lang sa mind and heart ang ginawa ko.
"Kasi, alam ko na I will be subjected to public scrutiny.
“So, sa akin, I will stick to what is fair. And no matter what the public says, alam ko na yun ang score ko and I will stand by it.”
JOJO BRAGAIS ON VANESSA PULGARIN AND GAZINI GANADOS
Naniniwala si Jojo na karapat-dapat si Vanessa Pulgarin ng Colombia sa napanalunan nitong korona at titulo ng Miss Grand International All Stars.
“From the beginning, frontrunner na talaga si Vanessa," sambit niya.
"You can see that she is very ready. Beauty, body, height, routine, she is a stunner.
"But marami rin ang talagang magaganda. Ang sikip ng Top 10, parang kahit sino puwedeng manalo.
"But her redemption is an inspiring story to many, lalo na yung may multo sa mga pangarap.”

Nagbigay rin ng komento si Jojo tungkol kay Gazini Ganados, isa sa mga kinatawan ng Pilipinas sa naturang patimpalak.
Umabot ng hanggang Top 5 si Gazini.
“Gazini is very pretty. She improved a lot compared sa Miss Universe journey niya noong 2019.
“Makikita mo on how she moves, walk, and talk that nag-grow na siya talaga. I personally feel proud seeing her evolution,” mga papuri ni Jojo tungkol kay Gazini.
Read: Gazini Ganados makes it to Miss Grand International All Stars Top 5
