Tuluyan nang naghilom ang sugat sa puso ng aktres dahil natanggap na niya ang katotohanang iniwan siya ng kanyang asawa para sa ibang babae.
Nakatulong sa aktres na nakilala na nito ang katauhan ng babae.
Higit sa lahat, nakita niya ang larawan ng babaeng ipinalit sa kanya.
“Judge for yourselves" ang tanging sinabi ng aktres nang ipakita nito sa kanyang mga kaibigan ang larawan ng babaeng kasama ng estranged husband niya.
Maliban sa naturang linya, walang paninirang salita ang namutawi mula sa bibig ng aktres.
Lalong hindi niya nilibak ang pagkatao ng babaeng karelasyon ngayon ng kanyang dating asawa.
Read: Former ABS-CBN reporter Ryan Chua now engaged to longtime partner
THE MISSING PUZZLE
Ang litratong ipinadala sa aktres ng mga nagmamalasakit na kaibigan ang tila missing puzzle.
Kaya sa isang iglap, napawi ang mga sama ng loob na kanyang nararamdaman.
Nang makita ng aktres ang larawan, nagpagtanto niyang magkakilala sila ng babaeng may asawa rin.
Alam ng aktres na nagsisimula sa letrang "M" ang pangalan ng babae, na nilalait noon ng estranged husband niya ang pisikal na kaanyuan.
Pero sa huli, ang dalawa ang nagkaroon ng bawal na relasyon.
“I wish him well,” mensahe ng aktres para sa asawa niyang nagbigay ng matinding sama ng loob.
Pero nawala ang lahat ng ito dahil sa larawang nakita ng aktres.
Masaya na ngayon ang aktres dahil wala na raw ang galit na namamayani sa puso nito.
Pinili raw niyang maging maligaya para makabawi siya sa mga pagkukulang sa sarili, lalo na noong kahihiwalay pa lamang nila ng kanyang estranged husband.
Read: ABS-CBN, TV5 eye new collaboration after short "breakup"