Labing-isang taon na sa Oktubre 13, 2026 ang relasyon nina Inah de Belen, 34, at Jake Vargas, 33.
Ayon kay Jake, nagtatanong na ang aktres kung kailan sila magpapakasal.
“Darating tayo diyan. Huwag nating madaliin,” sagot daw ni Jake sa tanong sa kanya ni Inah.
Inilahad ito ni Jake nang makausap siya ng Cabinet Files pagkatapos ng guesting nila ni Manilyn Reynes sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Martes, Hunyo 2, 2026.
JAKE VARGAS ON SETTLING DOWN
Sa panayam ni Boy Abunda kay Jake, binanggit din niyang si Inah ang palaging nagtatanong sa kanya tungkol sa pagpapakasal nila.
Sinasagot daw niya ang kasintahan ng “Mangyayari.”
Sabi pa ng Kapuso actor, “Paghandaan kasi hindi naman dapat minamadali yon. So, kung talagang ready na kami, yun na po talaga yon.”
Nanindigan si Jake na hindi nawawala ang pagmamahal niya kay Inah.
Saad niya: “Sa ten years po naming magkasama, siguro po ang masasabi ko, hindi po talaga nawawala yung love, kahit sobrang tagal na naming magkasama.
“Hindi po nawawala ang respeto ko sa family nila.
“Si Inah yung pahinga ko. Siya ang aking pahinga.
"Kasi kung wala siya, parang kulang or hindi ako complete kapag hindi ko siya nakikita.”
Read: Atasha Muhlach, Jacob Ang spotted getting cozy at a wedding
LIVE-IN SETUP
Hindi itinanggi ni Jake na limang taon na silang nagsasama ni Inah sa kanyang naipundar na condominium unit sa Quezon City.
Pero kamakailan lang, lumipat ang dalawa sa Wack Wack, Mandaluyong City.
Nang mapag-usapan ang live-in set up nila ni Inah, "nangyari na lang" ang paliwanag ni Jake.
“Parang nangyari na lang po, e," sambit niya.
"Kumbaga, sa tagal naming magkasama ni Inah, parang inabisuhan din naman siya ng mama niya [Janice de Belen] na, 'Kaya ninyo na bang mag-live in?’
“'Opo, kaya na po namin.'
"Dun naman po nasabi na, 'Okay, kaya natin ito.'
"Dun po namin nalalaman ang bawat ugali ng isa’t isa.”
Ayon kay Jake, maayos ang relasyon niya sa pamilya ni Inah at nagkikita-kita sila sa tuwing may mga okasyon at dinner date.
Read: Daniel Padilla on girlfriend Kaila Estrada: "We just are."