PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chinese actor Zhang Linghe fan event canceled after crowd surge

Zhang Linghe fever hits the Philippines.
by Jojo Gabinete
Published 14 hours ago
zhang linghe fan event
Chinese actor Zhang Linghe's immense popularity was on full display when a fan event in Nanning, China, had to be canceled after an overwhelming crowd surge led to chaos, broken glass doors, and safety risks.
PHOTO/S: Instagram / X

May kakumpitensiya na ang South Koreans actor sa puso ng mga Pilipino dahil popular na rin sa Pilipinas si Zhang Linghe, 28.

Si Zhang ang Chinese actor na may taas na 6’3" at sumikat nang husto nang magbida siya sa Pursuit of Jade, ang historical romance-drama series na napapanood sa Netflix mula pa noong Marso 2026.

Ang tagumpay ng Pursuit of Jade ang dahilan kaya tinangkilik ng manonood ang ibang mga programa ni Zhang sa Netflix—ang Our Generation at The Princess Royal.

zhang lingye pursuit of jade
Zhang Lingye in Pursuit of Jade
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE ZHANG LINGYE FAN MEET INCIDENT

Dahil sa kasikatang tinatamasa ni Zhang, ibinalita ng mga international news outlet ang kaguluhang nangyari sa kanyang meet-and-greet event sa isang shopping mall sa Nanning, ang kapitolyo ng Guangxi Zhuang Autonomous Region sa Southern China, noong Mayo 31, 2026.

Kinansela ng event organizer ang pagtitipon dahil nagkagulo ang mga tagahanga ni Zhang na nagtakbuhan papasok sa loob ng mall dahil nag-unahan silang makita nang personal ang kanilang iniidolo na Chinese actor.

Nakunan ng video ang mga nabasag na glass door ng shopping mall, ang mga nagkakagulo at nagsisiksikang tagahanga ni Zhang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagdesisyon ang event organizer na huwag nang ituloy ang mall show at gawing online na lamang ang fan meet ni Zhang para maiwasan ang panganib dahil sa hindi makontrol na unruly crowd.

Bahagi ng opisyal na pahayag ng mga kinauukulan: "The brand event originally scheduled for today has been temporarily rescheduled, and we sincerely apologize for any inconvenience caused. Everyone's safety is always our top priority."

Nangako rin ang mga kinauukulan na ibabalik nila ang mga nagastos na pamasahe at accommodation ng mga tagahanga na nanggaling sa malalayong lugar at bumiyahe sa Nanning para makita lamang si Zhang.

Sinagot din ng event organizer ang pagpapagamot ng mga nasaktan sa naganap na kaguluhan.

Read: VIRAL: Bakit trending sa Pilipinas si Linda Walker?

THE ZHANG LINGYE PHENOMENON

Nagkasunud-sunod ang mga brand endorsement at proyekto ni Zhang dahil sa kanyang phenomenal popularity.

Kinuha siya para maging brand ambassador ng Gucci, ang Italian luxury fashion show.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkasama sila ng Filipino actress-host na si Anne Curtis sa Gucci Core, ang The Cruise 2027 fashion show ni Gucci creative director Demna Gvasalia, na ginanap sa Times Square, New York, noong Mayo 17, 2026.

Ibinahagi ni Anne sa Instagram account nito ang larawan nila ng kanyang kapwa Gucci ambassador. Ikinagalak ito ng Filipino fans ng Chinese actor.

Kinainggitan” si Anne ng Pinoy fans dahil sa bihirang pagkakataong nakilala at nakasama niya nang personal si Zhang.

anne curtis zhang lingye gucci fashion event
Anne Curtis and Zhang Lingye at Gucci fashion event n May 17, 2026.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umaasa ang mga tagahanga ni Zhang na balang-araw, bibisita sa Pilipinas ang Chinese actor na kinababaliwan nila.

Read: Chinese actor Yu Menglong dies after falling from building

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chinese actor Zhang Linghe's immense popularity was on full display when a fan event in Nanning, China, had to be canceled after an overwhelming crowd surge led to chaos, broken glass doors, and safety risks.
PHOTO/S: Instagram / X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results