PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jillian Ward-Kobie Brown romance is real, sources claim

Jillian Ward visibly caught off guard when asked about Kobie Brown.
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
jillian ward kobie brown romance
Jillian Ward may have chosen to keep her love life private, but people close to the actress and Kobie Brown have reportedly confirmed that the two are in a relationship. Their recent public sightings and social media interactions have only strengthened speculation surrounding the rumored couple.
PHOTO/S: Instagram

“Whaat!!?”

Ito ang nagulat na reaksiyon ni Jillian Ward sa hindi nito inaasahang karagdagang "Fast Talk" questions sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, Hunyo 4, 2026.

Kitang-kita sa mukha ni Jillian ang pagkabigla ni Jillian sa tanong na “Robbie or Kobie?”

Si Kobie Brown, ang 22-year-old Filipino-British actor at former Pinoy Big Brother Connect ang matagal nang napapabalitang "mystery boyfriend" ng Kapuso actress.

Bago nagtanong si Boy ng "Robbie or Kobie," inamin ni Jillian na may nagpapakilig ngayon sa kanya.

“Maybe” naman ang sagot niya nang tanungin kung nakapili na siya ng manliligaw.

Sa tanong kung may nagmamay-ari na sa kanyang puso, ito ang sagot ni Jillian: “Recently, na-realize ko po na I want to keep this part of my life private kasi gusto ko rin pong maprotektahan yung mga tao sa paligid ko, whether family ko yon or friends ko or loved ones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko nang maging private siya para ma-cherish ko ko yung mga connections, relationships ko with people. I want to protect their privacy.”

Read: Robin Padilla announces nephew Daniel Padilla is the new "Bad Boy"

JILLIAN AND KOBIE: CONFIRMED!

Hindi man nagsalita si Jillian tungkol kay Kobie, ang mga tao sa kanilang paligid ang nagkumpirmang may relasyon na sila.

Marami na rin ang mga sighting kina Jillian at Kobie.

Huli silang namataang magkasamang nanood ng concert ni Jessica Sanchez sa Araneta Coliseum noong May 16, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matalas naman ang mga mata ng social media followers ng dalawa dahil natuklasan agad nilang sinusubaybayan nina Jillian at Kobie ang Instagram account ng isa’t isa.

Lalong umingay ang balita tungkol sa pagkakamabutihan nina Jillian at Kobie nang pumirma ng kontrata si Kobie sa Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network na namamahala sa showbiz career ng 21-year-old actress.

Hindi na isyu sa mga tagahanga ni Jillian ang pagkakaroon nito ng boyfriend dahil nasa legal na edad na siya para makipagrelasyon.

Masipag, maayos na katrabaho, at sinasabi ring mabuting anak at kapatid si Jillian kaya karapatan niyang maging maligaya.

Panahon na rin para magmahal siya ng lalaking itinitibok ng kanyang puso.

Read: Atasha Muhlach, Jacob Ang spotted getting cozy at a wedding

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jillian Ward may have chosen to keep her love life private, but people close to the actress and Kobie Brown have reportedly confirmed that the two are in a relationship. Their recent public sightings and social media interactions have only strengthened speculation surrounding the rumored couple.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results