Gaya ng highly successful Viva One The Next Fan Takeover noong Abril 18, 2026, matagumpay ang repeat ng fan event ng Viva Stars na ginanap sa New Frontier Theater (NFT), Cubao, Quezon City, noong Sabado, Hunyo 6, 2026.
Dinagsa ng mga tagahanga ang The Next Fan Takeover The Repeat.
Malakas na hiyawan at palakpakan ang narinig sa loob ng New Frontier Theater dahil sa partisipasyon ng Viva stars na bida sa mga Viva One hit series na Hell University, Our Yesterday’s Escape, Dating Alys Perez, Project Loki, My Husband Is a Mafia Boss, at Golden Scenery of Tomorrow.
Present ang mga loveteam nina Nicole Omillo at Jairus Aquino, Rabin Angeles at Angela Muji, Dylan Menor at Jayda Avanzado, Lance Carr at Aubrey Caraan, at Wilbert Ross at Bea Binene.
Read: Jillian Ward-Kobie Brown romance is real, sources claim

RABI ANGELES AND ANGELA MUJI
Buong-buo ang suporta ng fans sa loveteam nina Rabin at Angela nang ipakita ang nakakagulat na trailer ng Dating Alys Perez, ang Viva One original series na sequel ng Seducing Drake Palma na mag-uumpisa ang streaming sa Hunyo 12, 2026.
Ikinabigla ng mga tagahanga nina Rabin at Angela ang hindi inaasahang mapusok na eksena ng kanilang halikan sa Dating Alys Perez.

Si Zeke Polina ang gaganap na Tripp Palma sa Dating Alys Perez, at siya ang ipinalit kay Dylan sa karakter na ginampanan nito sa Seducing Drake Palma.

DYLAN MENOR
Pinanghinayangan ang desisyon ni Dylan na huwag tanggapin ang sequel ng Seducing Drake Palma dahil isa ito sa mga instrumento kaya dumami ang bilang ng kanyang mga tagahanga.
Pruweba nito ang nagtitiliang fans nang lumabas siya sa NFT stage.

Inanunsiyo ni Dylan ang nalalapit na pagtatapos ng Viva One series na pinangungunahan niya, ang Project Loki.
Magwawakas na rin ang Hell University, ang mystery-thriller series na pinagbibidahan ni Zeke na itinuturing ngayon bilang bagong "It Boy."
JAIRUS & NICOLE AND LANCE & AUBREY
Sina Jairus Aquino at Nicole Omillo ang lead stars ng Our Yesterday’s Escape na ipalalabas sa Agosto 29, 2026.
Ang Our Yesterday’s Escape ang final installment sa University Series ng book author na si Gwy Saludes .

Samantala, muling magbibida sina Lance Carr at Aubrey Caraan sa Carry On na mapapanood sa Viva One simula sa Setyembre 18, 2026.

JOSEPH MARCO
Ang lead actor ng My Husband Is a Mafia Boss na si Joseph Marcso ay hindi nakadalo sa The Next Fan Takeover Repeat dahil sa kanyang biyahe sa Japan.
Pero naging mainit pa rin ang pagtanggap ng fans sa videotaped message niya.
Nasukat ang popularidad ng My Husband Is a Mafia Boss sa fans dahil sa maugong na palakpakan at nagsisigawan na reaksyon ng NFT audience sa dance number ng cast at sa tuwing ipinakikita ang mukha ni Joseph sa LED screen monitor.
Read: Muro-Ami star Rebecca Lusterio builds new life in Denmark