PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zhang Yingfei receives warm welcome from Pinoy fans

Zhang Yingfei learns Tagalog, enjoys Filipino food during first night in PH.
by Jojo Gabinete
Published A day ago
zhang yingfei arrival in manila
The “Linda Walker” fever has officially arrived in Manila. Chinese actress Zhang Yingfei was greeted by cheering Filipino fans at NAIA during her first-ever visit to the Philippines.
PHOTO/S: Courtesy of Wilson Lee Flores

"Pleasantly surprised" ang Chinese actress na si Zhang Yingfei nang dumating siya sa Pilipinas noong Linggo ng gabi, Hunyo 7, 2026, dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pilipinong tagahanga niya.

Hindi rin inaasahan ni Zhang ang nangyaring kaguluhan sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport dahil sa mahigpit na seguridad.

Nang makita ng airport security personnel na maraming fans at miyembro ng media na naghihintay kay Zhang sa arrival area, idinaan nila sa ibang gate ang Chinese actress.

zhang yingfei arrival naia
Zhang Yingfei arrives in the Philippines, Sunday night, June 7, 2026.
Photo/s: Courtesy of Wilson Lee Flore
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumikat si Zhang sa Pilipinas dahil sa kanyang popular vertical drama series na The Heiress Who Won With Brains at sa karakter niyang Linda Walker.

"Linda Walker" at “7-1-9” ang mga isinisigaw ng Pinoy fans ni Zhang sa airport.

Ina-acknowledge ito ng Chinese actress dahil alam niyang kilala siya sa Pilipinas sa pangalang Linda Walker.

Ang numero namang 719 ay tungkol sa mataas na score na nakuha ng kanyang karakter sa mock exam sa isang eksena ng vertical series.

zhang yingfei linda walker
Zhang Yingfei as Linda Walker
Photo/s: Daily Motion
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: Bakit trending sa Pilipinas si Linda Walker?

ZHANG YINGFEI MAKES A STRONG FIRST IMPRESSION

Kasama sa mga sumalubong kay Zhang si Wilson Lee Flores, ang Public Information Committee chairman ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry Inc. (FFCCCII), ang organisasyong nag-imbita sa aktres na bumisita sa bansa.

Kuwento ni Wilson sa Cabinet Files: “Nagulat siguro ang mga security dahil hindi nila ine-expect na maraming fans at media kaya nagkagulo nang konti.

“Imbes na ilabas si Linda sa normal exit, dinala siya ng security sa ibang exit.

"Siyempre, yung fans nagtakbuhan para puntahan si Linda. Pero in fairness, naging maayos naman."

zhang yingfei manila arrival
Photo/s: Courtesy of Wilson Lee Flore
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Napaaga ng isang oras ang pagdating sa Pilipinas ng eroplano na sinakyan ni Zhang mula sa Beijing, China.

Puring-puri ni Wilson ang propesyonalismo ng aktres at ng mga kasama nito.

Saad niya: “Midnight sila dumating sa NAIA. Pagod sila pero inabot ng madaling-araw ang meeting namin para sa schedule ni Linda.

“Napakabait ng team niya. Napaka-professional kaya 2:30 A.M. na nang matapos ang meeting namin.

“Nakakabilib din si Linda dahil habang nasa van kami papunta sa hotel na tutuluyan nila, sinabi niya sa interpreter at sa akin na turuan siya ng Tagalog words.

“Nagulat kami na gusto ni Linda na matuto ng Tagalog words na ni-record niya sa kanyang cellphone.”

Ibinahagi rin Wilson na Bistek Tagalog ang unang pagkaing Pilipino na hiniling at kinain ni Zhang nang dumating ito sa hotel.

Nang makita ni Wilson si Zhang nang personal, nagulat siya dahil ibang-iba raw ang hitsura ng Chinese actress na magdiriwang ng 22nd birthday sa Hunyo 13,2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya: “Nagulat ako, mas maganda siya in person. Pati yung Filipino fans niya, nagulat din.

“Siguro iniba ang hitsura ni Linda sa drama series niya dahil estudyante ang kanyang role.

“Bibigyan namin siya ng birthday asalto sa meet-and-greet niya sa mall sa June 11.”

Bumisita si Zhang Yingfei sa Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon para sa civic project ng FFCCCII, ang “Linda Walker Visits The Philippines to Promote Education for a Better Future.”

Read: Chinese star Zhang Yingfei nagulat na siya pala si Linda Walker

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The “Linda Walker” fever has officially arrived in Manila. Chinese actress Zhang Yingfei was greeted by cheering Filipino fans at NAIA during her first-ever visit to the Philippines.
PHOTO/S: Courtesy of Wilson Lee Flores
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results