PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janella Salvador calls Klea Pineda "my favorite gay"

Janella Salvador and Klea Pineda open up about their deep connection.
by Jojo Gabinete
Published 6 hours ago
janella salvador klea pineda fast talk
Janella Salvador (left) and Klea Pineda (right) exchange heartfelt words about each other, with Klea describing Janella as her “home” and Janella calling Klea someone she hopes will remain in her life for years to come.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Napangiti si Janella Salvador sa sagot ni Klea Pineda sa tanong na "Sino si Janella sa buhay mo?”

Sagot ni Klea: “Si Janella sa buhay ko, tahanan, home. Nakakalma niya yung lahat ng ingay sa isip ko. Yun siya, yun siya sa akin.”

Ikinatuwa ng kapwa aktres na napapabalitang karelasyon niya.

“My favorite gay and, hopefully, someone who will stay,” sagot naman ni Janella sa tanong kung sino si Klea sa buhay niya.

Sina Janella at Klea ang mga bisita sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Martes, Hunyo 7, 2026.

Sapat na ang mga makahulugang salita na binitiwan ng dalawa para malaman ng publiko ang lalim ng pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Saad ni Klea: “Nandito kami para sa isa’t isa palagi. Nandito kami palagi para sa isa’t isa.

"Marami akong natututunan sobra kay Janella na hindi ko ine-expect na, 'Ah, ganito pala dapat.'”

Sabi naman ni Janella: “I feel like we’re both at the point in our lives wherein we’ve matured and we really want to apply all the lessons that we’ve learned from our past to whatever we have now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Klea, seksi ang kanyang pakiramdam sa tuwing tinititigan siya ni Janella.

Seksi naman daw si Janella kapag bagong gising.

"Janella is love," sambit ni Klea.

Pero si Klea rin ang nagbulgar na mas clingy at selosa si Janella kesa sa kanya.

Read: Janella Salvador refuses to put label on relationship with Klea

ONLINE SEXUAL VIOLENCE

Nang mapag-usapan ang online sexual violence threat na natanggap ni Klea noong nakaraang buwan, pinayuhan siya ni Janella na huwag nang basahin ang mga social media comment tungkol sa kanila.

Saad ni Klea: “Lahat naman ng nababasa ko ngayon sa social media, iniiwasan ko talaga siya. Kasi lahat yon halos negative.

“Siya [Janella] pinipigilan niya ako madalas kapag nakikita niya ako na nagtse-check ng social media comments.

"Parang, 'Ah, nagbabasa ka na naman. Mamaya wala ka na naman sa mood.’

“Parang nung nakita ko yung isang message na yon, sinabi ko agad sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In-ask ko siya kung ano yung dapat kong gawin about it kasi parang nanginig yung buong katawan ko.

"Wala naman sigurong may deserve ng ganoong klaseng threat."

Read: Klea Pineda slams rape threat from basher; Janella stands by her

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador (left) and Klea Pineda (right) exchange heartfelt words about each other, with Klea describing Janella as her “home” and Janella calling Klea someone she hopes will remain in her life for years to come.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results