PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Benz Sangalang, Joey Reyes recall drowning incident in Dipaculao

Benz Sangalang warns public about Dipaculao’s treacherous waters.
by Jojo Gabinete
Published 13 hours ago
benz sangalang joey reyes drowning incident
VMX actor Benz Sangalang (left) reveals that while filming Secrets in Dipaculao, Aurora, in 2022, the personal driver of their director Joey Reyes (right) drowned in the same waters that later claimed the lives of Ateneo players Rene Clert Baterbonia and Divine Adili.
PHOTO/S: Facebook

Nalungkot, pero hindi nagtaka, ang VMX actor na si Benz Sangalang nang mabalitaang nasawi ang Ateneo de Manila University Blue Eagles players na sina Rene Clert Baterbonia at Divini Adili sa karagatan ng Dipaculao, Aurora, noong Hunyo 8, 2026.

Ito ay dahil sa kanyang karanasan sa shooting ng pelikulang Secrets noong Abril 2022 sa nabanggit ding karagatan.

Ang Secrets ang kauna-unahang pelikula ni Benz para sa VMX na mula sa direksiyon ni FDCP Chair Jose Javier Reyes. Tampok din sa pelikula sina Felix Roco, Janelle Tee, at Denise Esteban.

benz sangalang janelle tee secrets
Benz Sangalang and Janelle Tee in a beach scene from Secrets, filmed in Dipaculao, Aurora.
Photo/s: VMX Philippines
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang linggo namalagi ang mga artista at crew ng Secrets sa Dipaculao dahil dito kinunan ang mga eksena ng pelikula.

Hinding-hindi malilimutan ni Benz ang naturang lugar dahil sa nangyari sa personal at trusted driver ni Direk Joey.

“Nung nalaman ko po na nalunod at namatay sa Dipaculao ang dalawang basketball player ng Ateneo, hindi na ako nagulat dahil alam ko talagang malakas ang alon ng tubig doon na kumitil na ng maraming buhay,” pahayag ni Benz nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Miyerkules ng tanghali, Hunyo 10.

A TRAGEDY WHILE SHOOTING SECRETS IN DIPACULAO

Kabilang sa namatay sa lugar na iyon ang driver ni Direk Joey.

Lahad ni Benz: "Namatay po ang driver ni Direk Joey sa Dipaculao dahil sa alon na nakamamatay.

“First day pa lang ng shooting namin para sa Secrets, pinagbawalan na ang lahat na mag-swimming dahil biglang lumalaki ang alon na parang nanghihigop.

“Hindi ko talaga sinubukang maligo sa dagat dahil natakot ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Paulit-ulit sa pagsasabi ang mga bantay sa resort na delikadong maligo kahit mababaw ang tubig.

“Sa umpisa ng eksena sa Secrets, may scene kami ni Felix na hubo’t hubad.

"Umaabot lang ang tubig hanggang beywang pero lampas tao ang tubig kapag umalon.”

Naging malungkot ang huling araw ng shooting ng pelikula sa Dipaculao dahil sa isang trahedya.

Pagpapatuloy na kuwento ni Benz: “After pack-up po, 3:30 ng hapon nang malunod ang laking-dagat na driver ni Direk Joey.

“Nakalimutan ko na po ang pangalan niya, pero ang naaalaala ko, mabait siya.

“Dumating ang mga pulis after an hour. May drone pa nga po na ginamit sa paghahanap sa driver. Kaso, hindi nakita ang katawan niya that day.

“The following day, bumalik na ako sa Manila. Nalaman ko na lang na after three days nakita sa kabilang barangay ang katawan niya."

Labis daw nagdalamhati si Benz dahil sa nangyari.

“Nalungkot ako dahil kakatapos lang ng shooting ng unang movie ko, tapos may sakuna na nangyari.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Umiiyak po talaga noon si Direk Joey.

"That time, hindi po ako makalapit sa kanya dahil talagang iyak siya nang iyak. Kinabukasan ko na siya kinausap."

Pinayuhan ni Benz ang lahat na pakinggan ang mga paalaala ng mga nakakaalam at may karanasan sa mga lugar na pinupuntahan ng mga bagong salta.

“Maniwala po tayo sa mga taong naninirahan doon. Mas pamilyar sila sa lugar.

"Kahit anong galing mo sa paglangoy, matuto kang makinig. May swimming pool naman doon kung talagang gusto mong mag-enjoy,” sabi ni Benz.

Read: PNP Aurora rules out foul play in deaths of two Ateneo players

DIREK JOEY REYES CONFIRMS DRIVER'S DEATH IN DIPACULAO

Samantala, nagkomento si Direk Joey sa Facebook post ni Cathy Babao-Sanchez, anak ng veteran actress na si Caridad Sanchez, tungkol sa pagpanaw nina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Dito kinumpirma ni Direk Joey ang malagim na pagkamatay ng kanyang driver noong Abril 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng FDCP chair: “I know the place where the two players died: this was exactly the same place where my driver drowned in 2022 on our final day of shooting a project.

“The place has a notoriety for taking lives each year because of its vicious undertow and gigantic waves from the open seas. Even the locals don't swim out of fear of the unpredictability of the water's behavior.

“That is why when one of my friends messaged me asking where in Aurora my driver died as we ended shooting, I was shocked to learn that this was where these promising young athletes perished under similar conditions.

“That area is NOTORIOUS for being dangerous and treacherous. There should have been greater examination and assessment as to the choice of venue for a training activity.

“Now all we can do is to pray for strength on the part of these devastated parents who only wished a better and brighter future for their sons.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pahayag na ito ni Direk Joey ay dapat isaisip at isapuso ng mga nagpaplanong magbakasyon sa Dipaculao para maiwasan at hindi na maulit ang pagbubuwis ng mga buhay sa mapanganib na karagatan ng naturang bayan.

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
VMX actor Benz Sangalang (left) reveals that while filming Secrets in Dipaculao, Aurora, in 2022, the personal driver of their director Joey Reyes (right) drowned in the same waters that later claimed the lives of Ateneo players Rene Clert Baterbonia and Divine Adili.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results