PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV5, ABS-CBN revive partnership after top executives’ meeting

TV5 is set to air Coco Martin’s upcoming series Sigabo.
by Jojo Gabinete
Published 8 hours ago
guido zaballero cory vidanes top execs
A high-level meeting between TV5 President and CEO Guido Zaballero (left) and ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes (right) has strengthened speculation that the Kapatid and Kapamilya networks are set to reunite.
PHOTO/S: Facebook

Ang pagkikita nina TV5 President and CEO Guido Zaballero at ABS-CBN Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes ang matibay na indikasyong tuluy-tuloy na ang muling pagsasanib-puwersa ng Kapatid at Kapamilya networks.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Cabinet Files, naganap sa tanggapan ng ABS-CBN ang hapunan at pag-uusap sa pagitan nina Zaballero at Vidanes noong Huwebes, Hunyo 11, 2026

Kabilang daw sa mga tinalakay ng dalawa ang malalaking plano ng TV5 at ABS-CBN sa pagpapatuloy ng kanilang partnership na pansamantalang nahinto noong Disyembre 2025.

Tulad ng unang ulat ng Cabinet Files, muling mapapanood sa TV5 ang mga programa ng ABS-CBN.

Matutunghayan na rin sa Kapamilya Channel ang mga programa ng Kapatid network.

Read: ABS-CBN, TV5 eye new collaboration after short "breakup"

ABS-CBN INFORMS ALLTV ABOUT AGREEMENT WITH TV5

Inaasahang magaganap sa darating na linggo — may mga nagsasabing baka sa Hunyo 16, kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa mga plano — ang pormal na anunsiyo tungkol sa TV5 at ABS-CBN partnership.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Biyernes, Hunyo 12, ipararating na rin ng ABS-CBN sa AllTV management ang kasunduan nila sa TV5.

Ang ALLTV ang naging tahanan ng mga programa ng ABS-CBN nang tapusin ng TV5 ang kanilang content agreement, noong Disyembre 2025, dahil sa financial disputes.

Ang Coco Martin's Sigabo ang unang programa ng ABS-CBN na mapapanood sa TV5 simula sa Hunyo 22, 2026.

Ang Sigabo ang action-drama-comedy series na TV comeback ni Coco Martin, na huling napanood sa FPJ's Batang Quiapo na nagwakas noong Pebrero 13, 2023.

Katambal ni Coco sa Sigabo ang kanyang real-life partner na si Julia Montes.

coco martin's sigabo poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaasahan ding maraming mangyayari sa susunod na linggo na may kaugnayan sa pagpapatuloy ng kolaborasyon ng TV5 at ABS-CBN.

Read: Is Coco Martin's Sigabo airing on TV5?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A high-level meeting between TV5 President and CEO Guido Zaballero (left) and ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes (right) has strengthened speculation that the Kapatid and Kapamilya networks are set to reunite.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results