PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andre Yllana fulfills dream of acting with mom Aiko Melendez

Andre Yllana: "Grabe po yung pressure!"
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
andre yllana aiko melendez a mother's sacrifice
Andre Yllana: “Sobrang kinabahan po ako nang grabe dahil bukod sa first time kong maka-work ang isang Aiko Melendez, first time ko rin pong makasama ang nanay ko sa trabaho. Grabe po yung pressure!"
PHOTO/S: Viva Movie Box

Ang Viva Movie Box vertical drama na A Mother’s Sacrifice ang kauna-unahang proyektong magkasama si Andre Yllana at ang kanyang ina na si Aiko Melendez.

Para kay Andre, isang pangarap na natupad ang makatrabaho at makipagtagisan ng pag-arte sa kanyang multi-awarded actress na ina.

Hindi raw ito naging madali.

Saad ni Andre sa panayam ng Cabinet Files: “It’s our first time to be able to work together.

"It still feels like a dream kasi dati talaga, pangarap ko lang maka-work at makasama si Mommy sa pag-arte.

“Tinupad po agad ng Viva ang pangarap ko kaya maraming salamat po.”

Hindi itinanggi ni Andre ang matinding kaba na kanyang naramdaman sa taping ng A Mother’s Sacrifice.

Kuwento niya: “Sobrang kinabahan po ako nang grabe dahil bukod sa first time kong maka-work ang isang Aiko Melendez, first time ko rin pong makasama ang nanay ko sa trabaho. Grabe po yung pressure!

“Nakatulong po yung nag-throw lines kami ni Mommy dahil sa tuwing naririnig ko na nagbabatuhan kami ng linya, mas lalong nare-realize ko na ito na yung pangarap ko. Right in front of me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang favorite scene ko po ay yung nasa loob kami ng kuwarto dahil napakaganda ng vibe at feel ng set kaya mas dama po namin ni Mommy yung eksena.”

Read: Jerome Ponce grieves death of youngest brother

a mother's sacrifice poster

EMBARRASSING MOMENT WITH MOM AIKO

Ibinahagi rin ni Andre ang isang nakakahiya umanong karanasan habang umaarte sila ni Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakahiya pong ikuwento. May isang line kasi na buckle ako nang buckle, sa script reading pa lang.

"Hindi ko talaga makuha-kuha dahil nabubulol ako kaya nakapagmura ako.

“Nakalimutan ko po na si Mommy ang katabi ko. Napagalitan po niya ako.”

Ano ang tips at mga payo na ibinigay sa kanya ni Aiko tungkol sa pag-arte?

Sagot ni Andre: “Basahin ko raw po nang maigi ang mga linya at talagang i-feel at intindihin ang karakter na ginagampanan ko para magkaroon ito ng buhay.”

Ano ang mga advantage at disadvantage kapag ang kanyang ina ang kasama niya sa proyekto?

“Yung advantage po, yung bond, experience, at memories na mabubuo po after the project.

“Yun din po kasi ang pinakamasarap na feeling dahil meron kayong achievement na magagawa as a family.

“Siyempre, bukod po sa mga aral na matututunan sa istorya, makakabuo rin po kayo ng bonding somehow as mag-ina.

“Ang disadvantage naman, siguro yung focus at pagkailang. Kasi, personally, ibang level po ng hiya at ilang ang naramdaman ko dahil alam ko po na nanay ko ang kasama ko sa pag-arte.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So, nahihiya ako nang sobra kay Mommy kaya nahirapan po akong mag-focus.”

A MOTHER'S SACRIFICE

Tungkol sa isang inang nagsakripisyo para sa kanyang anak ang makabagbag-damdaming kuwento ng A Mother’s Sacrifice.

Sa tunay na buhay, kinikilala at pinahahalagahan daw ni Andre ang lahat ng mga sakripisyong ginawa ni Aiko para sa kanya.

“In real life po, ang pinakamalaking sakripisyong ginawa at ibinigay ng nanay ko para sa akin ay yung career niya.

“Nabuo po kasi ako sa mundong ito na halos peak ng kasikatan niya kaya kinailangan niyang talikuran ang showbiz para maalagaan at masustentuhan ako bilang single mom siya,” sabi ni Andre.

Ayon din kay Andre, handang-handa siyang isakripisyo ang kanyang personal na kaligayahan alang-alang sa ina.

“Yes po! Always and in all ways!” deklarasyon ni Andre, na inaanyayahan ang lahat na panoorin ang A Mother’s Sacrifice na mapapanood sa Viva Movie Box simula sa Hunyo 22, 2026.

Read: Marian Rivera's viral Q&A with Jether Palomo resurfaces online

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andre Yllana: “Sobrang kinabahan po ako nang grabe dahil bukod sa first time kong maka-work ang isang Aiko Melendez, first time ko rin pong makasama ang nanay ko sa trabaho. Grabe po yung pressure!"
PHOTO/S: Viva Movie Box
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results