Si Senator Francis "Kiko" Pangilinan at ang mga media personality na sina Arnold "Igan" Clavio at Ramon "Mon" Tulfo ang mga bagong dagdag sa listahan ng mga tumanggap umano ng milyun-milyong pera na nakalagay sa mga maleta at paper bag.
Kabilang ang tatlong kilalang personalidad sa binanggit ng mga nagpakilalang dating security aide ni former Ako Bicol paty-list Repesentative Zaldy Co sa media briefing na ginanap sa Double Gem Garden Events, EDSA, Mandaluyong City, ngayong Martes, Hunyo 16, 2026.
Humarap sa media si dating Congressman Mike Defensor at ang mga miyembro umano ng Philippine Marine Corps na naging security aide at "bagmen" daw ni Co.
Read: Vico Sotto names Jesse Robredo, Win Gatchalian as his leadership influences
SENATOR KIKO PANGILINAN
Tiniyak ni Senator Kiko Pangilinan na mananagot sa batas ang nag-akusang tumanggap siya ng maleta mula kay Co.
Ginamit na "ebidensiya" ng nagpakilalang marines ang isang lumang larawan ni Pangilinan kasama ang mga dati umanong empleyado ni Co.
Sinabi ni Pangilinan na puro pasaring, alegasyon, at palabas ang pagdadawit sa kanya sa kontrobersiyal na usapin.
Buong pahayag ng senador: “Gusto lang mantsahan ang naiulat na pag-upo ko bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Subcommittee na mag-iimbestiga sa flood-control scam.
“Wala ni katiting na basehan ang mga tangkang pagdungis sa aking pagkatao ng mga nagpa-presscon tungkol sa mga maletang kaugnay sa bilyon-bilyong pisong ninakaw sa kaban ng bayan.
“At dahil dinamay niyo pa ang pamilya ko, makakatikim kayo ng hindi pasaring, alegasyon, o palabas na kaso sa korte. Pananagutan ninyo ang paninirang ginagawa niyo.”
Hindi rin pinalampas ng asawa ni Pangilinan, ang Megastar na si Sharon Cuneta, ang mabigat na alegasyon laban sa mister.
Galit na galit na post ni Sharon: “MGA SINUNGAAAALING!!!!!!! SOBRA TALAGA KAYO!!!!!
"I vlogged about this visit my family and I made to Marawi to thank the Governor, Mayor, and other officials and their families for their support for Kiko.
“Talaga ba, magbibigay kayo ng maleta sa amin SA MARAWI PA???!!! Ang kakapal ng mukha ninyo talaga sukdulan!!!
“Eto nagtetaping pa ako ngayon-nagbabanat pa rin ng buto at lumalaban ng patas, dahil lahat ng meron kami, PINAGHIHIRAPAN NAMIN!!!
"Hindi kami tulad ninyong mga sinungaling!!! Kaya sabi nga nila, KAPATID NG SINUNGALING ANG MAGNANAKAW!!!
“Bahala na ang PANGINOONG Diyos sa inyo. ALAM NIYA KUNG SINO ANG TOTOONG SUMUSUNOD AT SUMASAMBA SA KANYA!!! WALA KAYONG KWENTANG TAO!!!”
Read: Sharon Cuneta calls visit to MILF’s Camp Darapanan "one of the highlights of my life"
ARNOLD CLAVIO
Lahad naman ng isang nagpakilalang "Mario Jr.": “Na-assign po ako sa isang PR na taga-media na si Bernard Peralta.
"Dun ko po nakita yung mga nabibigyan po ng paper bag na mga anchor na mga taga-media kagaya po ni Arnold Clavio.”
Sa pamamagitan ng social media, kaagad pinabulaanan ng Kapuso broadcaster ang mabigat na akusasyon laban sa kanya.
Saad niya (published as is): “LIES.
"Nakakatawa. Nakakalungkot.
"Pero lahat ng ito ay haharapin ko ng walang takot.
“Talk is cheap. Bago ang dada, ebidensya muna.
"Hindi ako natatakot. Wala akong itinatago.
"Magkita na lang kami sa korte at doon ulitin niya lahat ng kanyang walang kakwenta kwentang bintang.”

Naglabas din ng opisyal na pahayag ang GMA Network tungkol sa isyung kinasasangkutan ng host ng morning program na Unang Hirit at anchor ng late-night news program na Saksi.
Nakasaad dito: “GMA Network has noted the statements made during a press conference earlier today.
“The Network takes matters involving the integrity of our journalists seriously.
“The Network will evaluate the matter further. GMA Network remains committed to responsible journalism.
"We ask the public to refrain from drawing conclusions based on unverified information.”
Read: Ateneo responds to allegations by Tab Baldwin’s estranged wife

RAMON TULFO
Ginamit din ng beteranong broadcaster na si Ramon Tulfo ang social media sa pagsagot sa paratang na tumanggap siya ng pera mula kay Co.
Pinagtawanan ni Tulfo ang bintang sa kanya.
Aniya: “Sana totoo. Binukulan ako ni Joey de Guzman kung ganoon!
“I’ll confront Joey when I get home to Manila and ask him where the supot na pera went.
“Hahanapan ako ng balato ng mga kaibigan at pamilya ko niyan. Supot na puno ng milyon-milyong pera?
“Paano magkakasya ang limpak-limpak na salapi sa isang supot? Bayong pa kung ganoon!
“Dadalhin sa loob ng restaurant na maraming tao kung saan kami nagkikita ni Joey na dating PR man ni resigned Ako Bicol Rep. Zaldy Co?
“Truth to tell, Joey and I meet regularly as we consult each other on the tricks of our trade. I have been in the PR business after retirement from mainstream journalism.
“Whoever taught this guy to implicate me, thank you! I consider it an honor to be in the company of the 'maleta boys.'"
Read: Joy Barcoma weighs in on pageant "halfies" issue, questions privilege