Makalipas ang mahigit isang taon, nakatakda nang magpaalam ang programa ng news personality sa isang TV network.
Ang dahilan? Papalitan ito ng show ng isang actor-TV host mula sa kabilang istasyon.
Ang TV show ng news personality ang “isasakripisyo” ng network management bilang pagbibigay-daan sa ipapasok na programa ng actor-TV host.
Nalungkot para sa news personality ang mga kasamahan niya sa trabaho pero, diumano, pansamantala o panandalian lamang ang pagkawala ng kanyang programa.
JUST TEMPORARY?
Malaki ang posibilidad na ibalik ang programa ng news personality dahil bukod sa marami ang nanonood, kumikita ang TV show niya.
At habang hindi pa natitiyak kung kailan ibabalik ang programa ng news personality, ilalagay muna siya sa ibang TV show ng network na kanyang pinaglilingkuran.
Inaasahang magkakaroon ng opisyal na pahayag ang network management tungkol sa nalalapit na pagsisimula ng programa ng actor-TV host na araw-araw nang mapapanood sa telebisyon.