Marami ang nasorpresa sa aktuwal na lips-to-lips kiss nina Claudine Barretto at Pepe Herrera sa red-carpet premiere ng Home Along Da Riles: Da Reunion na ginanap sa SM Megamall Cinema noong Lunes, Hunyo 15, 2026.
Magkapareha ang dalawa sa pelikula na nagbukas sa mga sinehan simula ngayong Miyerkules, Hunyo 17.
Iba’t iba ang reaksiyon, bayolente ang karamihan, sa malakas na shock factor ng paghahalikan nina Pepe at Claudine nang matapos ang screening ng pelikula.
May kissing scene sina Pepe at Claudine sa Home Along Da Riles: Da Reunion, pero balewala ito kung ikukumpara sa kanilang malakas na panggulat na halikan sa idinaos na red-carpet premiere.
“Mas malala ang halikan nila sa premiere night,” reaksiyon ng isang saksi sa panggugulat na ginawa nina Pepe at Claudine.
https://youtube.com/shorts/sLcPq6Cj2Fk?si=tx08CocY4aBg78fU
Ayon naman sa ilang dumalo sa red-carpet premiere, nakatulong ang mapangahas na eksena nina Pepe at Claudine para umingay ang highly-entertaining at must-watch movie.
Na-curious lang kami kung ano kaya ang reaksiyon ng real-life partner ni Pepe na si Sarah "Sam" Mallari sa ral-life kissing scene ng aktor at ni Claudine.
Posibleng sobra lang close ang dalawa kaya "walang malisya" ang paghahalikan nila sa labi.
Read: Kiko Pangilinan, Arnold Clavio, Ramon Tulfo strongly deny "maleta" allegations
FEEDBACK ABOUT HOME ALONG DA RILES: DA REUNION
Sinabi ng isang nakapanood sa Home Along Da Riles: Da Reunion, bilib na bilib siya kay Claudine dahil ipinaalaala at pinatunayan nito sa manonood ang kanyang husay bilang aktres sa mga eksena niya.
Si Boy2 Quizon ang direktor ng proyekto at ipinakita rin niya ang galing sa paggawa ng pelikula.
Hindi lamang ang King of Comedy na si Mang Dolphy ang binigyang-pugay sa Home Along Da Riles: Da Reunion.
May “cameo appearance" din ang mga dating cast members, tulad ng Sunog Baga Boys, ng sikat na sitcom ng ABS-CBN na namayagpag sa telebisyon mula 1992 hanggang 2003.
May espesyal na partisipasyon sa Home Along Da Riles: Da Reunion sina Mark Anthony Fernandez, Zanjoe Marudo, ang mga manlalaro ng isang sikat na women’s volleyball team, at marami pang iba.
Tiyak na ikagugulat ito ng mga nagbabalak panoorin ang pelikula na naisakatuparan dahil sa pagkakaisa ng mga bumubuo ng cast.
Ang Home Along Da Riles: Da Reunion ay isang Father’s Day presentation na ipagdiriwang sa Hunyo 21.
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good — sources