Hindi makapaniwala si Angela Muji na hindi lamang ang mga Pilipino ang tumatangkilik sa Dating Alys Perez.
Sinusubaybayan din ito ng mga tagahanga ng loveteam nila ni Rabin Angeles mula sa Amerika, New Zealand, Thailand, at Indonesia — base sa mga komento at pagbati na ipinadadala ng kanilang international fans.
Ang Dating Alys Perez ang sequel ng Viva One original series na Seducing Drake Palma.
No. 1 kaagad ito sa mga panoorin sa nabanggit na streaming site buhat nang mag-umpisa noong Hunyo 12, 2026.
“Grabe, hindi po ako makapaniwala. Napapatanong ako kung totoo bang nangyayari ito dahil super-bilis na No. 1 agad sa Viva One ang Dating Alys Perez.
“I remember kasi na nang magsimula noon ang Seducing Drake Palma, three days yata muna ang nagdaan bago nag-No. 1,” pahayag ni Angela sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.

ZEKE POLINA'S SHOWER SCENE IN DATING ALYS PEREZ
Si Zeke Polina ang ipinalit kay Dylan Menor sa karakter ni Tripp Palma, at ipinakilala siya sa Dating Alys Perez.
Ang shower scene ni Zeke sa Dating Alys Perez ang isa sa mga pinag-uusapan sa social media, pero hindi na raw nagulat si Angela nang mag-viral ang nabanggit na eksena.
Saad niya: “Ang galing po na viral ang shower scene ni Zeke at very warm ang pagtanggap ng international fans.
“I kinda expected the shower scene to become viral because it’s a sexy shower scene.
“And aside from that, wala po siya sa book. Additional scene lang po siya ni Direk Cris Aquino kaya siguro nagulat ang viewers.
“Nakakagulat din po talaga na may international fans kami.”
Read: Ateneo refutes allegations made by Tab Baldwin’s estranged wife
ANGELA MUJI ON ACTING WORKSHOP WITH ANA FELEO
Malaking hamon daw para kay Angela ang pagbibigay-buhay sa katauhan ni Alys Perez dahil, bilang title character, nakatutok sa karakter niya ang kuwento.
Malaking tulong daw sa kanila nina Rabin at Zeke ang acting workshop nila kay Ana Feleo.
“Si Alys Perez po ang focus ng story at marami ang mga heavy scene. Mas serious po ang Dating Alys Perez kung ikukumpara sa Seducing Drake Palma.
“I love our sessions with Miss Ana Feleo. With her, mas naging comfortable po kami sa isa’t isa.
"And we can really say na ready na kami because of our workshop."
Sabi pa ni Angela: “I feel blessed, thankful, excited, and scared, all at the same time.
“I’m blessed because Season 2 ng Seducing Drake Palma ang Dating Alys Perez.
"Binigyan kami ng chance to continue the story kaya sobrang grateful po ako sa Viva, for believing and trusting me.
“I’m excited because this is a new chapter, deeper feelings. and mature roles for this season.
“But I’m also terrified, scared of the thought that, in a few years, I’ll look back and miss this.
"Sobrang love ko lang po talaga ang ginagawa ko and this is the biggest blessing for me."
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good — sources