Noong Miyerkules, Hunyo 17, 2026, ang ika-29 kaarawan ni Wilbert Ross.
Sa halip magdiwag o magkaroon ng showbiz party, pinili niyang umuwi sa bayan nila sa Davao del Sur para makapiling ang kanyang pamilya at mga kaibigan.
Sa panayam ng Cabinet Files, sinabi ni Wilbert na normal lamang ang pagdiriwang niya ng kaarawan, kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
“Good health po para kayanin lahat ng blessings na dumarating,” sagot ni Wilbert nang tanungin tungkol sa mga kahilingan niya para sa kanyang ika-29 kaarawan.
Ang WRten by Wilbert Ross, Peemak, at Love U Lots ang mga tinutukoy ni Wilbert na mga biyayang dumating sa kanya.
Ang WRten by Wilbert Ross ang unang major concert niya na itatanghal sa New Frontier Theater sa Hulyo 26, 2026.
Ang Peemak ang Philippine adaptation ng Thai movie na pagbibidahan niya.
At ang Love U Lots ang Viva One romance comedy na mapapanood simula sa Hulyo 24.
Si Bea Binene ang kapareha ni Wilbert sa Peemak at sa Love U Lots.
Read: Wilbert Ross concert tickets, sold out sa loob ng 15 minutes
WILBERT ROSS HOPING TO WRITE A WORSHIP SONG
Para sa WRten by Wilbert Ross, umaasa si Wilbert na mabibiyayaan itong makapagsulat ng worship song na puwede niyang awitin sa kanyang concert bilang pasasalamat sa Panginoong Diyos.
“I really hope na ma-bless po ako ni God ng idea, kahit melody, lyrics, para po maisulat ko.
"Pero before, may naisulat ako na Visayan song na may Tagalog meaning na ‘Ikaw lang ang mamahalin ko, kahapon, ngayon, bukas at habambuhay. Pasensiya na kung nalayo sa Iyo.’
“Nag-try din akong magsulat ng Visayan song, about kay God. Hindi ko siya natapos.
"Pero sana po mabigyan ako ni Lord ng blessing, ng idea,” kuwento ni Wilbert.
Matagal na raw pangarap ni Wilbert makapagsulat ng Visayan song.
Saad niya: “Frustration ko ang magsulat ng Visayan songs. Pero yung Bisaya na nakasanayan ko sa Davao, may pagka-coño na Tagalog yung words.
“Kapag Bisaya po kasi from Cebu, ang gaganda talaga ng mga sulat nila kasi may malalalim na Visayan words.
“Ngayon, kapag sinubukan ko po, nakokornihan ako sa isinulat ko. Hindi ko po alam yung mga term na malalalim na magandang pakinggan sa tenga.
“Sana magkaroon akong ka-collab na Visayan artist for a Visayan song. Yun po ang wish ko in the future.”
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good — sources