Pansamantala lamang ang pagtalikod ni Shannon Sizon sa pag-aaral ng abogasya para bigyan ng katuparan ang kanyang pangarap maging artista.
Kaklase ni Shannon sa law school ang 44-year-old mother niya na si Emily Tampon, pero ito na lang muna ang magpapatuloy ng pag-aaral.
Si Shannon ang first runner-up sa Miss Grand Philippines 2023, kung saan ang kanyang tunay na pangalang Shanon Tampon ang ginamit niya.
Nagwagi siyang Miss Caloocan City noong 2019 at naging opisyal na kandidata sa Binibining Pilipinas noong 2021.

Lahad ni Shannon: “Classmates kami ng mother ko sa law school. Nag-stop lang ako. Siya ang nagpatuloy.Third year din siya.
“Yung Sison is my mother’s maiden name. Ginawa lang Z ang S.
“Pinalitan ang screen name ko kasi if they would hear my name,baka ang maalaala nila sa akin is the beauty queen.
"So, they wanted to create a new name for me to start all over with my acting career na parang kapag‘yun ang narinig nila, ito yung actress na ‘yon,”
Si Shannon ay kasabayan ni Herlene Budol Miss Grand Philippines 2023.
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good — sources

SHANNON SIZON'S mother SUPPORTS HER DECISION TO JOIN VMx
Suportado raw ng kanyang mga magulang, lalo na ng kanyang ina, ang pagpapaseksi ni Shannon sa VMX.
Bida agad si Shannon sa pelikulang Siping at, diumano, ang nanay niya ang nagbasa ng script ng kanyang unang proyekto sa VMX.
Kuwento ng baguhang sexy star: “Actually, kasama ko si Mother sa contract signing.
"Matagal nang sinasabi ni Mother na may mga taong nag-o-offer sa akin to join VMX.
“Ang sabi lang sa akin ni Mother, 'Bahala ka. You’re old enough naman to know what you want.’
“So, nung nag-decide na ako na I will sign for VMX, isinama ko siya. Nakita niya and then, she read the contract.
"Sabi niya, ‘Go. Maganda naman yung mga kuwento.’
Pagpapatuloy ni Shannon: “Sa shooting, gusto niyang sumama.
"Si Mother, may law school siya, so hindi siya nakasama sa akin sa shooting. Pero updated siya.
"Siya ang nagbasa ng script, yung scenes na gagawin.”
Patunay itong hindi isyu sa kanyang mga magulang ang mga daring scene niya sa VMX movie.
Read: Rene Baterbonia, Divine Adili deaths not an accident — CIDG

DREAMS OF BECOMING THE NEXT ROSANNA ROCES
Si Rosanna Roces ang aktres na iniidolo ni Shannon kaya naman nangangarap siyang maging "another Rosanna Roces" ng kanyang henerasyon.
“I grew up watching Rosanna Roces and super-ganda niya para sa akin.
"Nung lumalaki ako, siya ang idol ko. She’s the definition of maganda, sexy, gorgeous.
“Lagi kong sinasabi yan, gusto kong maging next Rosanna Roces ng generation ko.
"Kasi, may mga project na parang mabibigyan ako ng same pattern as Miss Rosanna Roces, why not?” ani Shannon, na nangangarap makilala nang personal ang kanyang hinahangaang aktres.
Read: Atasha Muhlach confirmed to play lead role in Annie Batungbakal musical