Isang importanteng impormasyon ang inaasahang ihahatid ni Coco Martin ngayong Huwebes ng gabi, Hunyo 18, 2026.
Nakatakdang ibahagi ni Coco ang mahalagang balita sa live interview sa kanya mula sa set ng Coco Martin's Sigabo.
Mapapanood ito sa TV Patrol, ang primetime news program ng ABS-CBN.
May mga espekulasyon na ang ibabahagi ni Coco ay may kinalaman sa matagal nang usap-usapang mapapanood ang Sigabo sa TV5.
Maglalabas naman ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng TV5 tungkol sa napapabalitang pagbabalik ni Coco sa TV5.
Ipapakita ng network ang pagbisita ni Frontline Pilipinas anchor Julius Babao sa set ng Sigabo.
Ang Coco Martin's Sigabo ang action-drama series na mapapanood simula sa Lunes, Hunyo 22, 2026.
Hudyat din ito ng pagbabalik ni Coco sa primetime television matapos magpaalam sa ere ang FPJ's Batang Quiapo noong Marso 13, 2026.
Kapareha ni Coco sa Sigabo ang kanyang real-life partner na si Julia Montes.
Read: ABS-CBN, TV5 eye new collaboration after short "breakup"

THE PEP REPORT ABOUT TV5-ABS-CBN COLLAB
Noong nakaraang linggo, iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkikita sa ABS-CBN office nina TV5 President at CEO Guido Zaballero at ABS- CBN Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes.
Naganap ang pag-uusap ng magkabilang-panig noong Hunyo 11, 2026 — isang matibay na pahiwatig na tuluy-tuloy na ang muling pagsasanib-puwersa ng Kapamilya at Kapatid Networks.
Sa bagong kasunduan, hindi lamang umano ang mga programa ng ABS- CBN ang mapapanood sa TV5 dahil matutunghayan din ang mga show ng Kapatid Network sa Kapamilya channel.
Ang Coco Martin's Sigabo ang mauunang ipalalabas.
Read: TV5, ABS-CBN revive partnership after top executives’ meeting