May mga pagbabagong mangyayari sa timeslot ng mga programa ng TV5 dahil sa muling pakikipagsanib-puwersa nito sa ABS-CBN.
Opisyal na mag-uumpisang mapanood sa Kapatid network ang Coco Martin's Sigabo, ang action-drama primetime series na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes, sa Hunyo 22, 2026.

MY BESPREN EMMAN
Simula naman sa Hulyo 27, magiging panghapong programa ng TV5 ang dating primetime series na My Bespren Emman dahil mapapanood ito pagkatapos ng Eat Bulaga!.
SOMEONE, SOMEDAY
Kung hindi magbabago ang plano, ang Someone, Someday ang matutunghayang programa, kasunod ng Sigabo.
Susundan ang Someone, Someday ng A Secret in Prague.
Ang Someone, Someday ang romantic drama series na pinangungunahan nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador.
Ang A Secret in Prague naman ang action-drama series nina Enrique Gil at Andrea Brillantes na napapanood sa TV5 at sa Netflix.
Read: TV5, ABS-CBN revive partnership after top executives’ meeting
LUIS MANZANO'S MINUTE TO WIN IT TO REPLACE JIGGY MANICAD'S UNA SA LAHAT?
Nakatakda ring ipalabas sa TV5 sumula sa Agosto 2026 ang Minute to Win It, ang magbabalik-telebisyon na game show ni Luis Manzano.
Diumano, ilalagay ito sa timeslot ng Una Sa Lahat, ang mid-primetime newscast ni Jiggy Manicad.
FACE TO FACE TO AIR ON abs-cbn platforms
Sa mga programa ng TV5, ang Face to Face with Ate Koring ni Korina Sanchez ang unang mapapanood sa ABS-CBN platforms. Magsisimula ito sa Hunyo 29.
Kinumpirma ng Kapatid network management ang pagpasok ng Face to Face with Ate Koring sa Kapamilya Channel sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag.
Nakasaad dito: “Wala nang makakapigil sa pagbabalik ni Coco Martin sa Kapatid Network sa pagpasok ng Coco Martin’s Sigabo ngayong June 22, 2026.
“At di rin naman magpapatalo ang batikang broadcaster na si Korina Sanchez-Roxas dahil simula June 29, weekdays ng 11 am, mapapanood na rin ang Face to Face with Ate Koring sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.”
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good — sources