PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Thai pageant winners victimized by alleged taxi scam in Makati

Mister Universe Thailand, beauty queen warn tourists about taxi scam.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
alex nattiruj meriza risa robbery
Mister Universe Thailand 2026 Alex Nattiruj and beauty queen Meriza Risa warn fellow travelers after falling victim to an alleged taxi scam and theft in Makati City during their visit to the Philippines.
PHOTO/S: Facebook

Mga biktima ng pagnanakaw sa Pilipinas sina Mister Universe Thailand 2026 Alex Nattiruj at Miss Universe Sakaew 2025 first runner-up Meriza Risa.

Nangyari ang krimen sa Makati City noong Hunyo 13, 2026.

Nagpunta sa Pilipinas sina Alex at Meriza dahil kabilang sila sa mga modelong rumampa sa Manila International Fashion Week na ginanap sa Grand Ballroom ng Okada Manila, Parañaque City, noong Hunyo 12.

Headline sa mga pahayagan at online sites sa Thailand ang masaklap na karanasan ng dalawa matapos ibahagi ni Alex sa Facebook page nito ang pangyayari.

Read: Soobin ng TXT, may masamang karanasan sa taxi driver sa Cebu

thai pageant winners robbed
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALEX DETAILS TRAUMATIC EXPERIENCE

Ikinuwento ni Alex sa kanyang social media post na ninakawan sila ng isang grupo ng mga Pilipinong pinaghihinalaan nilang nagpapanggap bilang taxi drivers.

Sa wikang Thai na isinalin sa Tagalog, inilahad ni Alex na hindi sila makapag-book ni Meriza ng sasakyan gamit ang ride-hailing app, kaya sumakay sila sa isang taxi na walang metro na nakaparada sa harap ng isang convenience store.

Diumano, gumamit ng tatlong magkakasunod na taxi ang mga nanlinlang sa kanila.

Napapunta umano sa maling ruta ang unang taxi na sinakyan nila. Sinabi ng driver na sira ang kanyang sasakyan kaya pinalipat niya sina Alex at Meriza sa pangalawang taxi na kasunod nila.

Nakasakay na ang Thai passengers sa pangalawang taxi nang sabihin ng driver na hindi nito alam ang daan patungo sa hotel na pupuntahan nina Alex at Meriza.

Hiniram ng driver ang iPhone 17 Pro Max ni Alex dahil titingnan niya umano sa cellphone ng pasahero ang ruta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito ang pagsasabi ng driver na hindi niya maihahatid ang kanyang mga pasahero sa hotel na pupuntahan.

Hiniram niya uli ang cellphone ni Alex para ipakita sa driver ng pangatlong taxi ang ruta.

Pero nang bumaba ang dalawang pasahero para lumipat, magkasabay na humarurot ng takbo ang mga sasakyang minamaneho ng taxi drivers.

Dumating umano ang isang itim na kotse at nag-alok ang driver nitong ihahatid sina Alex at Meriza sa police station.

Nagduda si Alex dahil ibang direksiyon ang itinuturo ng driver at iba ang sinasabi ng mga taong tinanong nila tungkol sa lokasyon ng police station.

Naghinala sina Alex at Meriza na posibleng kasabwat ng taxi drivers ang driver ng itim na kotse kaya tumakbo sila.

Nakarating sina Alex at Meriza sa Substation 4 ng Makati Police at dito nila idinulog ang nangyari sa kanila.

alex and neriza robbing incident
Alex and Meriza report the incident to the police.
Photo/s: Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama ang mga pulis, bumalik ang mga biktima sa pinangyarihan ng krimen para suriin ang CCTV at matukoy ang plate number ng mga sasakyang ginamit ng mga suspect.

Read: Kaye Abad robbed in the U.S.; loses bag and passports

ALEX WARNS TOURISTS WHO WILL VISIT THE PHILIPPINES

Ibinahagi ni Alex sa kanyang Facebook page ang naganap na krimen para mabigyan ng babala ang mga turistang nagpaplanong bumisita sa Pilipinas.

Nagbigay siya ng payo na huwag magpapahiram ng cellphone sa mga driver.

Higit sa lahat, gumamit lamang ng verified ride-hailing apps para makilala ang katauhan ng driver kung sakaling may mangyaring masama.

Dokumentado ni Alex ang hindi magandang karanasan nila ni Meriza sa Pilipinas dahil may mga larawan siyang kuha sa police station na kanilang pinuntahan at sa lugar na pinangyarihan ng pagnanakaw sa kanyang cellphone.

alex robbery incident
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Royce Cabrera recovers stolen bag, puzzled by stolen items

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mister Universe Thailand 2026 Alex Nattiruj and beauty queen Meriza Risa warn fellow travelers after falling victim to an alleged taxi scam and theft in Makati City during their visit to the Philippines.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results