Nabigo ang boxer at entertainment personality na si Eman Bacosa Pacquiao, 22, sa kanyang unang title fight sa boxing dahil tinalo siya ni Rodelyn Perez ng Zamboanga Sibugay.
Nagtagisan ng husay sa boxing ring sina Eman at Bacosa para sa Philippine Boxing Federation lightweight title na ginanap nitong Linggo ng gabi, Hunyo 21, 2026, sa DRP Sports Complex, Muntinlupa City.
Si Eman ang pinapaboran na magwagi dahil sa kanyang walong beses na panalo sa mga nakaraan na laban niya sa boksing, pero sa huli, si Rodelyn ang idineklara na kampeon sa kanilang ikalawang pagkakataon na paghaharap.

Nagkaisa ang mga hurado sa majority decision nila dahil sa husay na ipinamalas ni Rodelyn habang tatlong beses na na-knockout si Eman, isa sa second round at dalawa sa third round.
Unang nagharap sa boksing ang dalawa noong Oktubre 20, 2024 sa Okada Manila Hotel, Parañaque City, at natalo ni Eman si Rodelyn noon.
Sa kabila ng pagkatalo ni Eman, nakatanggap siya ng pagbati mula sa GMA Sparkle Artist Center, ang talent management agency ng GMA Network Inc. na namamahala sa kanyang career.
"We Are Proud of You Eman Bacosa Pacquiao On Your PBF Lightweight Championship Journey" ang mensahe ng Sparkle para sa anak ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Read: Eman, hindi kailanman lalabanan si Jimuel sa boxing ring
RODELYN PEREZ SAYS HIS WIN "NOT A CHAMBA"
Ilang oras matapos ang tagumpay niya sa laban nila ni Eman, nag-post si Rodelyn sa Facebook page nito ng kanyang reaksyon.
"It’s not a chamba" at "Tinalo ng magtataho" na nilagyan niya ng mga laughing emoji.

Ilang araw naman bago naganap ang laban nila ni Eman, sinabi nagsalita si Rodelyn ng “ Humanda ka Eman Bacosa Pacquiao, aagawin ko si Jillian sa ’yo.”
Si Jillian Ward ang tinutukoy ni Rodelyn dahil ang aktres ang ipinapareha noon kay Eman.
Pilit na iniuugnay si Jillian kay Eman nang lumipad siya sa Bohol noong Pebrero 28, 2026 para suportahan ang boxer-actor sa laban nito sa Indonesian boxer na si Reynold Kundimang ng Indonesia.

Read: Lotlot de Leon initiated convo about issue with Ian de Leon
RODELYN PEREZ MOVED TO TEARS
Sa panayam ng Sports On Air kay Rodelyn, sinabi nito na hindi siya makapaniwala na tinalo niya si Eman.
Diumano, napaiyak siya sa sobrang saya dahil natalo niya ang anak ng Pambansang Kamao.
Nang tanungin naman siya ng isang boxing fan kung maaagaw na niya si Jillian mula kay Eman, nakangiting sagot niya, "Wala na tayong magagawa kasi nanalo ako!”