Ang baluktot na katwiran ni Entertainment Personality ang dahilan kaya nawawalan na ng gana ang mga taong tumutulong at nagmamalasakit sa kanya.
Nakikipagrelasyon si Entertainment Personality sa mga miyembro ng LGBTQ community at sa matatandang mayayaman dahil hindi raw siya nabibigyan ng mga regular na trabaho sa pelikula at telebisyon,
Dati nang nagbibida si Entertainment Personality sa mga drama series at pelikula, pero unti-unting tumamlay ang kanyang showbiz career dahil hindi siya maingat sa pakikipagrelasyon.
Totoong-totoo sa mga isyu na kinasasangkutan ni Entertainment Personality ang kasabihanng may pakpak ang balita, may tenga ang lupa.
Bukod sa mabilis kumalat sa apat na sulok ng showbiz ang kanyang pagpatol sa matatanda at sa mga miyembro ng LGBTQ community, may mga ebidensyang lumilitaw na hindi niya itinatanggi.
Read more blind items:
- 2 female personalities, guwapong basketball players ang target
- News personality, "isasakripisyo" sa pagpasok ng actor-TV host
- Sexy newbie axed from show due to politician?
ENTERTAINMENT PERSONALITY UPDATE
Nakasira sa imahe ni Entertainment Personality ang mga pinaggagagawa nito sa pribadong buhay kaya wala nang nagtitiwala sa kanya bilang brand ambassador.
Nawalan na rin siya ng mga product endorsement dahil sa mga isyu at kontrobersiya na kanyang pinapasok na naiwasan sana kung pinahalagahan at iningatan niya ang pangalang pinaghirapang mabuo sa matagal na panahon.
Marunong umarte at mahusay kumanta ang entertainment personality, pero nababalewala ang mga talento niya dahil sa mga negative issue tungkol sa kanya na siya rin ang may kagagawan at dapat sisihin.