PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PBA Motoclub players scammed in Poland, cancel exhibition game

Paul Artadi reveals PBA Motoclub’s scam experience in Poland.
by Jojo Gabinete
Published A day ago
pba motoclub in poland
Members of the PBA Motoclub unable to play in a scheduled exhibition game in Poland after allegedly not receiving their agreed talent fees. The group is composed of former PBA players Jayjay Helterbrand, JC Intal, PJ Simon, Rico Maierhofer, Jerwin Gaco, Ryan Araña, and Paul Artadi.
PHOTO/S: PBA Motoclub Facebook

Hindi naging maganda ang Father’s Day para sa mga miyembro ng PBA Motoclub dahil hindi natuloy ang kanilang basketball exhibition game sa WKK Sport Center, Wroclaw, Poland, noong Linggo, Hunyo 21, 2026.

Ang PBA Motoclub ang samahan ng mga dating manlalaro sa Philippine Basketball Association (PBA) na mahihilig sa motorsiklo. Naglalaro sila ng basketball para sa charity events at exhibition games.

Kabilang sa mga nagpunta sa Poland sina Jayjay Helterbrand, JC Intal, PJ Simon, Rico Maierhofer, Jerwin Gaco, Ryan Araña, at Paul Artadi para sa exhibition games.

Pero nabigo silang maglaro sa Poland dahil hindi binayaran ng Filipino event organizer ang kanilang mga talent fee.

pba motoclub in poland
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PBA MOTOCLUB SCAMMED IN POLAND

Ibinahagi ni former PBA player at San Juan City Councilor Paul Artadi ang kanilang masamang karanasan sa pamamagitan ng video na in-upload niya sa Facebook.

Himutok niya: “We got scammed. Big time!

"Mula pa sa Warsaw. Bumili pa sila ng ticket pero wala. Nganga!

“Hindi kami nakalaro kasi hndi kami binayaran ng talent fee so we are sorry. Pero walang may gusto, di ba?

“Shout-out na rin, buhay pa kami kahit na-scam kami. Buhay kami!

“Pero lessons learned talaga. E, mababait ang PBA Motoclub. Mababait talaga kami.

“So iyan, bad bad experience. We got scammed.

"Hindi kami nakalaro. Hindi kami nabayaran dito.

"Five hours papunta, five hours pabalik.”

Mula sa Warsaw, Poland, limang oras bumiyahe ang former PBA players at ang mga kasama nila papunta sa Wroclaw.

Masakit para sa mga kaanib ng PBA Motoclub na kanselado ang exhibition game dahil malayo ang nilakbay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kawawa yung mga Pilipinong niloloko,” sabi pa ni Artadi tungkol sa mga Pilipinong naninirahan sa Poland na gumastos dahil bumili ng tickets at bumiyahe rin nang malayo para panoorin ang paglalaro ng dating PBA players.

Pero hindi nga ito nangyari.

Read: Thai pageant winners victimized by alleged taxi scam in Makati

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ORGANIZER APOLOGIZES TO PBA MOTOCLUB

Humingi ng paumanhin sa PBA Motoclub players ang Pilipinang organizer ng nakanselang exhibition games sa pamamagitan ng isang text message.

Saad nito: “Ikinalulungkot ko at hinihingi ko ng tawad at pasensya na sa lahat ng nangyari ngayong araw na ito.

“Humihingi ako ng pasensya sa inyo, sa lahat ng nangyari, sa abala sa nangyaring game at sa pagod ninyo.

“Inaamin ko lahat nang ito, ako ang may pagkakasala. Dahil sa kagustuhan ko na maayos at mabigyan ng minsan lang na event ang mga kababayan ko sa Poland, kahit hindi ko kaya, pinilit ko.

“Patawarin ninyo ako sa mga nagawa ko sa inyo. Hindi ko po gustong ma-disappoint kayo sa akin. Muli, humihingi ako ng pasensya. Sana mapatawad ninyo ako.”

Sa kabila ng masaklap na karanasan ng grupo, nangibabaw ang kanilang kabutihan dahil tinanggap nila ang paumanhin ng organizer nang hindi natuloy na exhibition games.

PBA MOTOCLUB ACCEPTS ORGANIZER'S APOLOGY

Binigyang-linaw naman ng misis ni Rico Maierhofer na si Jeck ang mga nangyari sa Poland sa pamamagitan ng kanyang social media post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng kanyang post: “Na-scam sila but in fairness to the Poland organizer naman, she wrote us a contract and she said that she will pay all our expenses little by little. Si Lord na bahala sa kanya!

"Alam nila Dublin and Poland organizers na hindi ako nagkulang magsabi sa kanila na 'Pls. cancel na lang kung hindi nyo kaya ang TF ng boys!'

“Above all, nag-enjoy kami kasi ramdam namin ang love ng mga Pinoy sa UK at Europe! Maraming salamat sa inyong lahat! Happy kami, ligtas kami lahat.

"Walang perfect na organizer and event, kahit Sunderland and London may mga naging bumps, yet we fixed it and we made new friends.

“We are always willing to understand and adjust, not the time para mag-blame at magsisihan, God sees us! You can cheat, yet you can't cheat to God!

“Ang importante yung willingness mo and heart mo to fix and pay what you owe to us. We always say to Team Amazing ‘Enjoy na lang tayo! Lesson learned!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“God cares more about your character rather than being convenient or right. Praise Jesus for all the good and the bad things we've encountered during this trip.

“However, mas madami pa rin nagmamahal na Pinoy sa Team Amazing!”

Read: Jak Roberto, Buboy Villar warn the public against online scams

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Members of the PBA Motoclub unable to play in a scheduled exhibition game in Poland after allegedly not receiving their agreed talent fees. The group is composed of former PBA players Jayjay Helterbrand, JC Intal, PJ Simon, Rico Maierhofer, Jerwin Gaco, Ryan Araña, and Paul Artadi.
PHOTO/S: PBA Motoclub Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results