PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eman Pacquiao's mother defends him after loss, blasts bashers

Joanna Bacosa: "You are still the winner sa puso ko..."
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
eman & joanna bacosa
Joanna Bacosa to son Eman Bacosa Pacquiao: “You are the champion sa puso naming nagmamahal sa yo! Congratulations! Pinatunayan mong hindi mo kailangan mandaya para lang manalo. Lahat ng laban mo sa buhay ay nilalabanan mo ng patas."
PHOTO/S: Joanna Rosa Bacosa Facebook

Masakit para kay Joanna Rose Bacosa ang mga batikos na natatanggap ng kanyang anak na si Eman Bacosa Pacquiao matapos nitong matalo sa laban kay Rodelyn Perez para sa Philippine Boxing Federation lightweight title.

Idinaos ang kanilang boxing match sa DRP Sports Complex, Muntinlupa City, noong Linggo ng gabi, Hunyo 21, 2026.

Hindi napigilan ni Joanna na sumagot sa bashers ni Eman sa pamamagitan ng kanyang social media posts:

“Gamitin nyo lang content si Eman para mabusog kayo mga bashers o users gooo mag hanap buhay lang kayo.”

“Sana makatulog kayo sa mga panggagamit nyo para lang kumita.“

"Keep staring! I’m glad your entertained. Hate, laugh or judge my son is still blessed.”

Pinuna rin ni Joanna ang inasal ng boxing referee sa Round 2 ng laban nina Eman at Rodelyn.

Saad ni Joanna (published as is): “Dahil sa Round 2: Hinayaan ng referee kahit foul. Na bale-wala kay ref, suntokin ng suntokin ang likod ng ulo ni Eman. Wala man lang minus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung kaya suntokin ng maraming beses sa likod ng ulo, ano kaya mangyayari?”

joanna bacosa post

Read: Eman Bacosa knocked down by Rodelyn Perez in title fight

JOANNA'S OPEN LETTER TO EMMAN

Ramdam sa mga salitang binitiwan ni Joanna ang sakit ng kanyang ng kalooban para kay Eman.

Inaakusahan ng bashers si Eman na natalo dahil naging busy siya sa showbiz kaya nawala ang focus niya sa boksing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang mahabang mensahe para kay Eman ang ginawa ni Joanna na iginiit na panalo pa rin sa puso niya ang kanyang anak, kahit hindi ito nagtagumpay sa laban kay Rodelyn.

Mensahe ni Joanna: “God’s plan is the best time Eman Bacosa Pacquiao.

"You are still the winner sa puso ko at sa puso namin ng pamilya natin, pati na sa mga taong naniniwala sayo. Ikaw ang panalo sa amin. You fought a good fight!!!

Maraming lapses ang referee. Sa 2nd round pa lang, sinuntok ka nang marami ni Perez sa likod ng ulo. Hindi man lang binawasan ng referee yon sinuntok ka sa likod ng ulo.

“Bulag at kulang talaga sa safety o pagsaway ang referee. Sabihin na nating marami ka pang kailangan na i-improve pero malinis ka maglaro Eman at hindi madaya.

“Hayaan mo nang wala kang belt. Hindi yan kawalan ng pagkatao mo ang belt.

"God is with you! You are blessed!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pinatunayan mo kagabi na mahal mo ang Diyos. Kahit sa gitna ng pagkabigo dahil hindi ka nanalo ay nanatiling matibay ang pananalig mo sa Panginoong Diyos!

“Pinupuri mo Siya at itinataas. Yan ang anak ng Diyos. Hindi lang sa mabuti ang pagpupuri, pati sa gitna ng pagsubok ay nananatiling matatag ang pananampalataya sa Diyos!

“You are the champion sa puso naming nagmamahal sa yo! Congratulations!

"Pinatunayan mong hindi mo kailangan mandaya para lang manalo. Lahat ng laban mo sa buhay ay nilalabanan mo ng patas.

“Hayaan lang natin ang ibang tao na nagsasalita ng negatibo tungkol sa yo. Ginagawa kang content para sila ay kumita. Pagbigyan naman natin sila. Baka ikaunlad nila ang ginagawa nila.

“Ang importante anak, matibay tayo because we have God. Buo ang pamilya at higit sa lahat, napakaraming nagmamahal sayo anak.

“Hindi matutumbasan ng pagkatalo mo ang itinatak mong kabutihan at inspirasyon na ibinibigay mo sa maraming Pilipinong nagmamahal sa’yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You are so blessed. To God be all the glory, honor and power.

"We love you Eman. Natalo ka man sa boxing kagabi but they cannot put the good man down.”

Sinundan niya ito ng Bible verse: “Proverbs 24:16,For though the righteous fall seven times, they rise again, but the wicked stumble when calamity strikes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Postscript: Wala si Jillian Ward sa laban ni Eman kay Rodelyn.

Pero sinuportahan siya ni Anton Vinzon, ang bida ng Kamao, ang top-rating afternoon action-drama series ng GMA-7.

eman bacosa pacquiao
Eman Bacosa Pacquiao (center) with Anton Vinzon (leftmost) with other Kapuso artists.

May mga naghanap kay Jillian dahil natatandaan ng mga tao ang pagsuporta niya kay Eman sa boxing fight nito sa Indonesian boxer na si Reynold Kumindang sa Bohol noong Pebrero 28, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jimuel Pacquiao, wagi sa boxing; kinongratulate ni Eman Bacosa

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joanna Bacosa to son Eman Bacosa Pacquiao: “You are the champion sa puso naming nagmamahal sa yo! Congratulations! Pinatunayan mong hindi mo kailangan mandaya para lang manalo. Lahat ng laban mo sa buhay ay nilalabanan mo ng patas."
PHOTO/S: Joanna Rosa Bacosa Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results