Walang kamalay-malay si Albie Casiño na namayapa na ang aktor na si Ricky Davao kaya gulat na gulat siya nang malaman niya ang balita.
Si Albie ang gumanap sa karakter ni Ricky sa remake ng Hibla, ang sexy movie na pinagbidahan nina Rica Peralejo at Maui Taylor na ipinalabas sa mga sinehan noong 2002.
Sa Hibla 2, ang VMX stars na sina Margaret Diaz at Aliya Raymundo ang mga bida. Sina Albie at Ghion Espinosa ang leading men nila.
Mula sa direksiyon ni Topel Lee, ang Hibla 2 ay mapapanood sa VMX simula sa Hunyo 30, 2026.

ALBIE CASIÑO CLUELESS THAT RICKY DAVAO HAD DIED
Nang itanong ng Cabinet Files kay Albie kung nagkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho si Ricky noong nabubuhay pa ang beteranong aktor, nagulat ang lahat ng mga dumalo sa media conference ng Hibla 2 sa kanyang reaksiyon.
“Ricky Davao passed?!!!” gulat na reaksiyon niya.
Ipinaalam ng Cabinet Files kay Albie na mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang bawian ng buhay si Ricky noong Mayo 1, 2025.
Read: Ricky Davao dies at 63
Reaksiyon niya: “I am sorry, I didn’t know but, yeah, I know Tito Ricky.
"I didn’t know. That was a shock. Condolences.
"I had the pleasure of working with Tito Ricky a couple of times.”
Ano ang mga alaala niya tungkol kay Ricky?
Saad ni Albie: “He’ s a professional actor. He’s a talented actor as well and palagi lang ako sa standby area also.
“Medyo aloof ako sa mga bagay, as in I didn’t know he passed away.
"Especially when I’m on set kasi, parang medyo lock-in, focus. I’ m trying to be the character, not Albie.
“I am trying to remember now what exactly. Naalaala ko may shinoot kami sa Dolphy Studio sa ABS-CBN. I just can’t remember what scene saka nakasama ko siya sa movie.
"Wow, my condolences.” hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Albie.
Nagkasama sina Albie at Ricky sa pelikulang Moonlight Butterfly (2022).
NOT UPDATED WITH SHOWBIZ NEWS
Ginanap ang media conference para sa Hibla 2 sa Viva Cafe, Quezon City, ngayong Martes ng tanghali, Hunyo 23, 2026.
Nang matapos ang press conference, muling kinausap ng Cabinet Files si Albie.
Inamin ni Albie na hindi siya updated sa mga showbiz news.
Saad niya: “Hindi talaga ako showbiz. Even if I am a celebrity, I am not aware.
"Oo, nagulat talaga ako.
“Hindi na ako nangingialam sa buhay ng iba, e. Masyado nang marami akong problema sa buhay. Hindi ko na poproblemahin yung buhay mo.
"But then again, I am just shocked kasi, of course, we’re in the same industry. I know him personally, I will find about these things.
"Pero I checked [during the presscon], May of last year siya namatay."
Read: Ricky Davao: Remembering his life and prolific acting career