Ang fitness instructor mula sa Boracay Island na si Jose Carlos Paras, 22, ang nagwagi ng korona at titulong Mister National Universe 2026.
Ginanap ang final competition ng international male pageant sa Princess Chulabhorn International Conference Center ng The Kaset sa Hua Hin, Thailand, noong Hunyo 22, 2026.
Si Paras ang unang Pilipino na nanalong Mister National Universe na nag-umpisa noong 2017.
Hindi si Paras ang nag-iisang Pilipino opisyal na kandidato 8th Mister National Universe.
Kinatawan din ng Pilipinas si John Paulo dela Cruz, na nanalo ng titulong Mister National Universe Earth 2026.
Mister National Universe World 2026 si Eduardo Hernandez ng Spain.
Mister National Universe Globe 2026 si Aran Nilanseng Kaiyalath ng Laos.
Mister National Universe Intercontinental 2026 si Chonrave Sinthuwape ng Thailand.
At Mister National Universe Global Ambassador 2026 si Do Gia Hung ng Vietnam.
Read: Pops Fernandez reacts after fans slam her Startista Gallery statue

BREAKFAST IN BED
Nang manalo si Paras, napansin ng pageant fans ang korona ni Paras na ikinukumpara sa mga korona ng runners-up sa Miss World.

Pinag-usapan ang korona ni Paras nang ilabas ng Mister National Universe Organization ang breakfast-in-bed photos niya na isang tradisyon para sa unang almusal ng mga nagwagi pagkatapos ng gabi ng koronasyon.

Read: Eman Pacquiao's mother defends him after loss, blasts bashers