Itinanggi ni Albie Casiño, 33, ang mga haka-hakang hiwalay na sila ng kanyang fiancée na si Michelina.
Naganap ang paglilinaw ni Albie nang matapos ang media conference ng Hibla 2 na idinaos sa Viva Café, Quezon City, noong Martes, Hunyo 23, 2026.
“Distance lang,” sabi ni Albie tungkol sa isyu.
Namamalagi sa Amerika si Michelina at ang kanilang dalawang taong gulang na anak na si Roman Andrew.
Bilang patunay na maayos ang relasyon nila ni Michelina, ikinuwento ni Albie na lilipad siya sa Amerika sa unang linggo ng Hulyo 2026.
Tatlong buwan daw siyang mananatili roon para dalawin ang kanyang mag-ina.
Huling nakasama ni Albie sina Michelina at Roman noong Marso 2026 dahil nagbakasyon sa Pilipinas ang dalawa.
ALBIE ON CULTURAL DIFFERENCES WITH MICHELINA
Natatawang ikinuwento ni Albie ang "cultural difference" ni Michelina na lumaki sa Amerika.
“Masyadong mahirap ang cultural difference niya dito [sa Pilipinas],” sabi ni Albie.
“Ultimo yaya, hindi siya kumportable. May yaya kami sa bahay di ba?
“Like, 'Bakit ka naha-hassle na may yaya, e, nandito nga yan para padaliin yung buhay mo? Pinapahirapan mo ako dahil may yaya tayo.'
“Oo, naaaning siya. Bakit daw may tao sa bahay namin? Hindi niya ma-gets.”
Muling tinanong si Albie kung maayos ang relasyon nila ni Michelina.
“Oo naman,” sagot niya.
“At the same time, kanya-kanyang relationship tayo, di ba? Wala naman akong pakialam sa sasabihin nila online sa relationship ko.”
Read: Albie Casiño shocked to discover Ricky Davao had passed away
ALBIE ON WEDDING PLANS
Noong Disyembre 2025, inanunsiyo ni Albie sa pamamagitan ng isang social media post ang marriage proposal niya kay Michelina.
Kailan ang plano niyang magpakasal?
Ayon kay Albie: “Again, ang hirap. If we process stuff there [USA], I think I can’t go back here for a long time, not naman a long time, during the process.
“And if we process that here [in the Philippines], it’s gonna take so much longer saka gastos ang kasal.
“Mahal ng kasal. Para lang sa araw na months before, stressed na stressed ako dahil dun, di ba?
"Wine tasting, food tasting. Hindi na tayo makakakain dun.
“Ang dami ko nang kaibigan na ikinasal, di ba? Groomsman ako, bestman ako dito. Nakikita ko lahat ng nangyayari.
“Groomsman ako, stressed na ako. Nine A.M. kailangan nasa hotel na tayo, [pero] alas-kuwatro tayo sa church.
"Nine A.M. ang calltime, talo ninyo pa ang taping. Ano ba?” tawang-tawang sabi ni Albie.
Base sa kanyang mga pahayag, matutukoy ng publiko ang tunay na saloobin ng aktor tungkol sa kasal.