PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ashtine laughs off "hindi kamukha" comments about her statue

Ashtine Olviga drops new song ahead of first-ever major concert.
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
ashtine olviga statue
Ashtine Olviga laughs off comments that her resin statue doesn't look like her, saying it's an honor to be part of the Startista Gallery. "Siguro gawa po ng bangs, pero baka kapag nawala yung bangs," quips Ashtine.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Facebook

Marami ang nagsasabing hindi kamukha ni Ashtine Olviga ang resin statue nito na kabilang sa Startista Gallery exhibit ng Star City.

Sa media conference ng first-ever major concert niyang Love Like U, kinuha ng Cabinet Files ang kanyang reaksiyon tungkol dito.

“Actually, sinend po sa akin ni Wilbert [Ross]. Tapos sabi niya, 'Kamukha mo.'

“Akala ko, kamukha ko lang talaga, ‘Hala, ako pala yon!’” natatawang kuwento ni Ashtine.

Nauna nang nagtawanan ang mga dumalo sa presscon na idinaos sa Viva Boardroom, sa Pasig City, nitong Huwebes ng tanghali, Hunyo 25, 2026.

Ano ang reaksiyon niya sa mga nagkokomentong hindi sila hawig ng kanyang resin statue?

“Okay lang. Okay lang. Siguro gawa po ng bangs, pero baka kapag nawala yung bangs," sagot ni Ashtine.

Personal na sinukatan si Ashtine para sa kanyang resin statue.

ashtine olviga statue
Ashtine Olviga's resin statue at Startista Gallery
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nagpapasalamat ang 27-year old singer-actress dahil isang karangalan daw na makasali siya sa Startista Gallery.

Saad ni Ashtine: “Ang galing, parang hindi ko ine-expect na masasali po ako sa ganoon.

"It’s an honor po. Ang laking bagay po na makasali ako sa ganoon.

“Una, kakakilala lang po sa akin sa showbiz, like 2025, so talagang malaking bagay.”

Nagpahayag din si Ashtine ng interes makita nang personal ang estatwa niya kapag may libreng oras siya.

Read: Pops Fernandez reacts after fans slam her Startista statue

ASHTINE OLVIGA'S FIRST-EVER MAJOR CONCERT

Ang first-ever major concert ni Ashtine na Love Like U ay itatanghal sa New Frontier Theater sa Agosto 22, 2026.

Nang itanong ng Cabinet Files ang mga paghahandang ginagawa niya para sa kanyang concert, ibinalita ni Ashtine na natapos na nito ang pagsusulat sa kantang may pamagat na "Nasaan Ka Na?".

Lahad niya: “Natapos ko na po yung sinulat kong kanta, kasama po sa EP and ire-record ko na po siya this week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, bale sa concert ko po, maglalabas po kami ng additional five songs. Ang title po is 'Nasaan Ka Na?'

"And yung inspiration, in-explore ko lang yung vulnerable side ko. Yung mga nakikita kong stories na malulungkot po."

May nararamdaman ba siyang kaba para sa concert niya?

Sagot ni Ashtine: “Ngayon po, wala pa. Pakiramdam ko malayo pa so nandun po ako ngayon sa preparations.

"It’s more on, like, memorizing ng songs para kapag magpa-practice na ng sayaw o kapag recording na, hindi ko na kailangang isipin pa yung lyrics.

“I am very much involved po. Super thankful ako kasi hinahayaan nila akong ma-involve.

"Kasi po, before, nakakatakot magsalita. So, parang, 'Sige po, okay na po yun.' Ganoon po ako dati.

"Pero ngayon sobrang welcoming po nila. Ipinaramdam mo po nila sa akin na kung may ideas ako, puwede kong sabihin kung ano yung songs na gusto kong kantahin.

"Yung mga guest din po, sila yung parang nagsabi na, ‘O sige, okay lang kung sino ang mga gusto mo.'”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: PBA Motoclub players scammed in Poland, cancel exhibition game

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ashtine Olviga laughs off comments that her resin statue doesn't look like her, saying it's an honor to be part of the Startista Gallery. "Siguro gawa po ng bangs, pero baka kapag nawala yung bangs," quips Ashtine.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results