Bago natunton ang kinaroroonan ng dating aktor na si Jeremiah Rosales ay nakausap ng Cabinet Files ang kanyang anak, ang bagong VMX star na si Liana Rosales, 21.
Si Liana ang pangalawa sa apat na anak nina Jeremiah at Jhen Go.
Nagpahayag ng pagkagulat si Liana dahil sa pagtakas mula sa bahay nila at pagtatago sa Bicol ng tatay niya para hindi madala sa rehabilitation facility.
Sinasabing lulong sa ipinagbabawal na gamot si Jeremiah, na nakababatang kapatid ng aktor na si Jericho Rosales.
“Nagulat po ako dahil hindi ko expected na matatakasan niya yung rehab," saad ni Liana sa exclusive interview ng Cabinet Files ngayong Biyernes ng hapon, Hunyo 26, 2026.
“Kaya lang po namin ginagawa yon para sa sarili niya. Para magtino siya kasi matanda na siya.
"Tapos kaming mga anak pa niya ang parang nagiging magulang niya instead na siya yung nagpapaka-tatay sa amin.
“Sana po magpakita na siya dahil para sa ikabubuti rin niya ang pagpasok sa rehab.”
Read: Jericho Rosales' brother Jeremiah found after five days in hiding
LIANA ROSALES SIGNS UP WITH VMX
Pumirma si Liana ng kontrata sa VMX noong Mayo 2025, at ang talent manager na si Lito de Guzman ang namamahala sa kanyang acting career.
Hindi naging aktibo si Liana sa showbiz dahil umano sa kanyang selosong boyfriend.
Pero ngayong hiwalay na sila, nangako siyang ang showbiz career ang pagtutuunan niya ng panahon at atensiyon.
“Nag-lie low po ako noon kasi may boyfriend ako. Hindi rin po ako sanay na magpaseksi, gusto ko pa ring maging wholesome actress.
“Pero ngayong single na uli ako, bumalik na po ako sa VMX.
"Last week po, nag-meeting uli kami with Boss Vic del Rosario, tapos waiting po ako sa new projects. Tuluy-tuloy na po talaga ang pagpasok ko sa VMX,” sabi ni Liana sa Cabinet Files.

Ano ang reaksiyon ng kanyang ama na si Jeremiah sa pasya niyang magpaseksi sa VMX movies?
”Wala naman po kasi ako naman po ang nagdedesisyon para sa sarili ko, saka financially. Hindi na rin ako nakatira sa kanila,” sagot ni Liana.
Hindi itinanggi ni Liana na tutol ang kanyang Tito Jing (Jericho Rosales) sa pagpasok niya sa VMX.
“Nung una po siyempre ayaw niya, pero nagulat na lang siya na naka-sign na ako ng kontrata,” sabi ni Liana.
Read: Kris Aquino's message to Ryzza Mae Dizon in Eat Bulaga! sparks buzz