Ang kinatawan ng Bulacan at BL series actor na si Adrian Joseph “Drei” Arias, 29, ang nagwagi na Mister Gay World Philippines 2026.
Read: Drei Arias reveals reason for coming out as genderfluid pansexual
Naganap ang koronasyon noong Biyernes, Hunyo 26, 2026, sa Crossroads 77, Mother Ignacia Avenue,Quezon City.
Hindi baguhan si Arias sa pagsali sa mga male pageant dahil siya ang nanalo na Mister Bulacan 2018, Mister Continental Philippines-Tourism 2019, Mister Culture World Ambassador 2019, at King of the World Philippines Model Discovery of the Year 2025.
Noong unang linggo ng Hunyo 2026, isiniwalat ni Arias sa publiko na gender fluid pansexual siya at kasunod nito ang pagsali niya sa Mister Gay World Philippines 2026.
Hindi nagkamali ang hula ng karamihan na si Arias ang mag-uuwi ng korona ng Mister Gay World Philippines 2026 dahil hinakot niya ang lahat ng mga special award.
Read: Jericho Rosales' brother Jeremiah found after five days in hiding
DREI ARIAS WINNING ANSWER
Ang paglantad niya bilang miyembro ng LGBTQIA + community ang ibinahagi ni Arias sa Q&A segment ng patimpalak.
Ang tanong sa kanya: "How can LGBTQIA+ advocates build bridges with people who have different beliefs or remaining true to their identity?"
"For years I have denied myself. Maraming taon na idinenay ko yung sarili ko para sa sarili kong kapakanan para magkaroon ng maraming projects, ng maraming trabaho dahil kailangan kong buhayin ang pamilya ko.
"And there’s no shame in surviving. Naniniwala ako dun. And how can I stay true to myself? I just come out. Nag-out tayo, naging matapang tayo, at patuloy tayong magiging matapang para sa survival ng lahat ng nasa community.
"Para sa mga tao na naniniwala sa akin. Para sa mga tao na binubuhay ko.
"Para sa mga tao na kinakalimutan ng Pilipinas. Let us remember their names. The guys who were killed just because of your sexual identity.Hindi namin kayo kakalimutan."
Read: Standout ladies and gents in futuristic Star Magical Prom 2026
LOURD RYAN RAMOS
Ipinagbunyi ng mga sumusubaybay sa Mister Gay World Philippines 2026 ang tagumpay ng popular hairstylist at makeup artist na si Lourd Ryan Ramos, 47. Siya ay mula sa Makati City.
Tatlong beses nang sumali si Ramos sa nabanggit na gay pageant at sa kanyang ika-apat na pagsubok, dalawa sila ni Mark Anthony Bacongan ng Malabon City na kinoronahan na Mister Gay World Philippines All Stars 2026.
Nakatakda na idaos sa South Africa sa 2027 ang Mister Gay World All Stars na sasalihan nina Ramos at Bacongan.
First runner-up si Miguel Lago ng Maynila samantalang si Jamil Guillera ng Leyte ang second runner-up sa Mister Gay World Philippines 2026.