PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jhen Go opens up about alleged conflict with Jericho Rosales

Jhen Go admits to having marital issue with Jericho's brother Jeremiah.
by Jojo Gabinete
Published 6 hours ago
Jhen Go claims Jericho Rosales blames her for Jeremiah Rosales's drug addiction
Jhen Go on personal differences with actor Jericho Rosales (inset): "Nasisisi ako na kaya raw nagkaganoon si Jeremiah, dahil sa akin... May bisyo po kasi ang kapatid niya kaya tamang hinala. Ultimo nagde-deliver ng mineral water at TikTok rider, pinaghihinalaan ni Jeremiah na dyowa ko." Jhen and Jeremiah are the ones in the main photo.
PHOTO/S: Courtesy of Jhen Go / @jerichorosalesofficial Instagram

May permiso ni Jericho Rosales, 46, ang mga social media post ni Jhen Go, 37, tungkol sa pag-alis sa bahay ng asawa nito na si Jeremiah, 40.

Hunyo 21, 2026 nang umalis ng bahay si Jeremiah at limang araw siyang nawala.

Si Jeremiah ang nakababata at nag-iisang kapatid ni Jericho na tumakas mula sa kanilang tahanan para hindi makuha ng mga tauhan ng isang rehabilitation facility sa Batangas.

Gusto kasi ng aktor na ipagamot siya.

Noong Biyernes, Hunyo 26, 2026, nalaman ni Jhen na nagpunta si Jeremiah sa Bicol, kaya inutusan umano si Jhen ni Jericho na burahin na ang kanyang mga social media post tungkol sa asawa niya na nawawala.

Sinabi ito ni Jhen sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files ngayong Sabado, June 27, 2026.

"Tumawag po siya na nakita na si Jeremiah sa Bicol at pina-take down na po niya ang mga post ko na nawawala ang kapatid niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Inutusan po niya ako na mag-post na nakita na si Jeremiah kasi marami na raw po ang mga reporter na tumawag sa kanya," ani Jhen.

Huli raw niyang nakausap si Jericho kahapon, Hunyo 26.

Read: Jericho Rosales' brother Jeremiah found after five days in hiding

JHEN GO ON alleged CONFLICT WITH JERICHO ROSALES

Pero may tampo si Jhen dahil siya at ang kanyang mga anak ang diumano’y sinisisi ni Jericho sa pagkakaroon ni Jeremiah ng bisyo.

"Nasisisi ako na kaya raw nagkaganoon si Jeremiah, dahil sa akin. E, ganoon po yung may bisyo. May tamang hinala.

"Yun nga po, nasisisi pa ako ni Jericho na nagkakaganyan ang kapatid niya, dahil sa akin at sa mga anak ko," pahayag ni Jhen.

Sa puntong ito ay inamin niya na mayroon silang marital issue ni Jeremiah.

Pagsisiwalat ni Jhen: "Pinagbibintangan nila na may boyfriend o lalake raw ako, e, wala naman.

"May bisyo po kasi ang kapatid niya kaya tamang hinala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ultimo nagde-deliver ng mineral water at TikTok rider, pinaghihinalaan ni Jeremiah na dyowa ko."

Nang itanong ng awtor na ito kung puwedeng isapubliko ang diumano’y paninisi ni Jericho sa kanya at sa anak niya, sagot ni Jhen, “Okay lang naman po. Nagsasabi naman po ako ng totoo."

May apat na anak sina Jhen at Jeremiah. Dalawa sa mga ito ay mga artista, si Liana Roselas, 21, na contract star ng VMX, at si Felize Rosales na StarWorx artist.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon kay Jhen, hindi pabor si Jericho sa pagpasok ni Liana sa VMX.

Aniya, “Pati si Liana, pasaway raw dahil nag-Vivamax. Ganoon po, nasisisi pa kaming mag-ina kaya ganyan ang kapatid niya.”

Liana Rosales, daughter of Jeremiah Rosales, brother of Jericho Rosales
Liana Rosales

Read: Liana Rosales opens up about dad Jeremiah's addiction battle

JHEN GO on JERICHO ROSALES as a GOOD BROTHER

Sa kabila nang hindi pagkakaunawaan nila ni Jericho, pinatotohanan naman ni Jhen na mabuting kapatid ang aktor kay Jeremiah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sang-ayong din siya sa plano ni Jericho na ipasok muli sa rehabilitation facility si Jeremiah.

"Sa Bicol muna raw po si Jeremiah, then after one week ipapa-rehab na raw uli ng kuya niya.

"Yung rehab na dating pinagdalhan kay Jeremiah noong June 20, 2024, mamahalin. May gym, may swimming pool, may doktor siya, may nurse.

"Ayaw ni Jericho na mahirapan si Jeremiah. Hindi naman po mura yung bayad sa rehab niya, P55,000 monthly, pero willing pa rin si Kuya Jing na gastusan para gumaling at magbago si Jeremiah.”

Ang tinutukoy ni Jhen na "Kuya Jing" ay si Jericho.

Sa huli, inamin ni Jhen na naghiwalay sila ni Jeremiah noong Abril 2026 dahil umano sa bisyo nito.

Pero nananatiling naninirahan silang magkasama sa bahay nila sa Antipolo City.

"Since April 2026, hindi ko na tinabihan si Jeremiah," pag-amin ni Jhen.

Paglalarawan pa niya sa sitwasyon nilang mag-asawa: "Marami naman pong kuwarto sa bahay namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nangyayari po pala talaga ‘yon. Dati hindi ako naniniwala hanggang naranasan ko."

Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga nabanggit na personalidad sa artikulong ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jhen Go on personal differences with actor Jericho Rosales (inset): "Nasisisi ako na kaya raw nagkaganoon si Jeremiah, dahil sa akin... May bisyo po kasi ang kapatid niya kaya tamang hinala. Ultimo nagde-deliver ng mineral water at TikTok rider, pinaghihinalaan ni Jeremiah na dyowa ko." Jhen and Jeremiah are the ones in the main photo.
PHOTO/S: Courtesy of Jhen Go / @jerichorosalesofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results