PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ashtine Olviga shocked when foreigners recognized her in Italy

Ashtine Olviga recalls first family trip in Europe.
Ashtine Olviga shocked when foreigners recognized her in Italy
Ashtine Olviga (left and right) on memorable trip to Rome, Italy: "Dun po sa Colosseum, kumuha kami ng tour. Nagulat po ako na may ibang mga bata na iba ang lahi, parang may school trip sila tapos tinatawag po nila ako na Jay-jay." Seen with her on the right photo are her family.
PHOTO/S: Ashtine Olviga

Noong Mayo 19, 2026 ang ika-27 na kaarawan ni Ashtine Olviga at bilang pagdiriwang, nagbakasyon sila ng kanyang pamilya sa Europe.

Unang pinuntahan nina Ashtine ang Berlin, Germany dahil dito nag-aaral ng Data Science course at namamalagi ang kanyang nakababatang kapatid na si Allia.

Mula sa Germany, nagpunta si Ashtine at ang kanyang pamilya sa Spain para sa kanilang cruise trip.

Bumiyahe rin sila sa Rome, Italy na hindi malilimutan ni Ashtine dahil hindi niya inaasahan na makikilala siya ng mga bata na hindi Pilipino.

Lalo siyang namangha nang tawagin siya sa karakter na ginagampanan niya sa Viva One series na Ang Mutya ng Section E.

"Dun po sa Colosseum, kumuha kami ng tour. Nagulat po ako na may ibang mga bata na iba ang lahi, parang may school trip sila tapos tinatawag po nila ako na Jay-jay,” kuwento ni Ashtine.

"Sobrang hindi ko po ine-expect,” dagdag niya.

Personal siyang nakapanayam ng Cabinet Files sa media conference para sa kanyang concert, ang Love Like Ashtine, na itatanghal sa New Frontier Theater sa Agosto 23, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bukod sa konti lang yung mga Pilipino na nakakilala sa akin sa cruise. Konti lang po talaga, like, siguro mga dalawa lang.

"Nagulat ako na yung mga bata na iba pa ang lahi, sila pa yung mas nakakilala sa akin.

"Pinigilan ko po na maiyak kasi nakakahiya po, pero naiiyak po talaga ako.

"Wow ang galing kasi hindi ko po talaga ine-expect na may mga makakilala sa akin.”

ASHTINE OLVIGA ON EURO TRIP WITH FAMILY

Ang sama-sama na pagbabakasyon pamilya nila sa Europe ang isa sa mga karanasan na pinahahalagahan ni Ashtine dahil naipasyal nito sa iba’t ibang bansa ang mga magulang niya na nagbigay sa kanya ng kaligayahan.

"Sobrang saya po simula pa lang na papunta kami sa airport.

"Sobrang memorable kasi first time namin na mag-travel as a family and alam ko rin na yung parents ko, imbes na i-treat nila yung sarili, imbes na bumili for themselves, mas pipiliin nila na ibigay ‘yon sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya sobrang lapit talaga sa puso ko kasi parang naibalik ko kung ano ‘yung mga ibinibigay nila sa amin dati. Parang na-treat mo yung parents mo.

"It’s my way to show them na na-appreciate ko kung anuman ‘yung mga sacrifice na ibinigay nila sa amin noon," ang lahad ni Ashtine.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ashtine Olviga (left and right) on memorable trip to Rome, Italy: "Dun po sa Colosseum, kumuha kami ng tour. Nagulat po ako na may ibang mga bata na iba ang lahi, parang may school trip sila tapos tinatawag po nila ako na Jay-jay." Seen with her on the right photo are her family.
PHOTO/S: Ashtine Olviga
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results