PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cup of Joe's Gian Bernardino delivers emotional Pride speech

Gian: "Hindi naging kakulangan ang pagiging bakla... something I am proud of."
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
gian bernardino cup of joe
Cup of Joe returns to the LoveLab4n Pride Festival at UP Diliman, where vocalist Gian Bernardino delivered one of the event's most powerful speeches: "You cannot weaponize my truth."
PHOTO/S: YouTube

Tulad noong nakaraang taon, muling sumali ang mga miyembro ng Cup of Joe sa LoveLab4n, ang Gay Pride Festival 2026 na ginanap sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City, noong Sabado, Hunyo 27.

Hindi lamang nagtanghal ang Cup of Joe sa LoveLab4n dahil lumahok din sila sa Pride Ride and motorcade.

Agaw-pansin ang placard na hawak ng vocalist ng banda na si Gian Bernardino na may nakasulat na “Cup of Jokla.”

cup of joe pride ride
Cup of Joe members join the Pride Ride and motorcade at UP Diliman on June 27, 2026.
Photo/s: YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Gian ang naghatid ng madamdaming pananalita tungkol sa partisipasyon nila sa Gay Pride Festival.

Magiting na sinabi ni Gian na hindi kakulangan ang pagiging bakla dahil, sa kanyang sariling salita, ”I am proud of it.”

Ipinagtapat ni Gian ang mga batikos sa social media na kanilang natanggap pero hindi na siya nagbigay ng detalye.

Saad niya" “Hindi naging madali ang past two months sa amin, lalung-lalo na sa amin, kasi we’ve been subject to online harassment by an older generation. Alam ninyo naman siguro yan.

“But ang sinasabi ko, you cannot weaponize my truth.

"Hindi naging kakulangan ang pagiging bakla, ang pagiging queer, something I am proud of.”

Nakansela ang Davao at Cagayan de Oro legs ng kanilang Stardust concert tour na dapat sana'y ginanap noong May 30 at June 13, respectively.

Ayon sa inilabas na statement ng concert producer, ang dahilan ng pagkansela sa concert ay "unforeseen schedule conflicts."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit pinaniniwalaang ang tunay na dahilan nito ay ang socal media posts ni Gian na may kinalaman sa pulitika, partikular na ang DDS o die-hard Duterte supporters.

Kilalang balwarte ng mga Duterte ang Davao pati na ang CDO.

Dahil dito ay tumanggap ng matitinding batikos sa social media ang banda.

Read: Cup of Joe delivers historic concert with OPM legends

GIAN BERNARDINO CALLS FOR RESPECT FOR LGBTQIA+ COMMUNITY

Sa talumpati ni Gian sa LoveLab4n kagabi, nawagan siya ng respero para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Aniya: “And you should remember na walang makakapigil sa inyo sa kahit anong mangyari dahil the LGBTQIA+ community is a very powerful community.

“And hindi lang tayo dapat tino-tolerate. Dapat nirerespeto rin tayo at pinagsisigawan.

“Nakausap namin yung mga volunteers and they kept asking us kung bakit laging pinipilit naming makasama sa ganito.

“It’s because, as Cup of Joe and as Filipino people, hindi namin kayang hayaan na maging multo lang ang malayang pagmamahal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And we’re gonna use this platform, whether you like it or not, kaya sana sabayan ninyo kami."

Sabi pa niya sa audience: "Okay lang bang i-on ninyo yung mga flashlight ninyo?

“Ialay ninyo ang mga ilaw na yan sa mga pagmamahalang naudlot sa buhay ninyo dahil pakiramdam ninyo, hindi kayo safe. Hindi kayo tinatanggap.

“Gusto naming tandaan ninyo na kasama ninyo kami sa laban na ito. Maraming salamat po, we are Cup of Joe, Cup of Jokla.”

Read: Cup of Joe's Gian Bernardino officially launches acting career

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cup of Joe returns to the LoveLab4n Pride Festival at UP Diliman, where vocalist Gian Bernardino delivered one of the event's most powerful speeches: "You cannot weaponize my truth."
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results