Malakas ang panawagan mula sa ilang netizens na alisin ang drag queen na si Maxie Andreison, 27, sa cast ng Die Beautiful: The Musical dahil sa paglitaw ng video clip ng pananakit niya sa isang trans woman.
Kumalat ang video clip noong Linggo, Hunyo 28, 2026, isang araw matapos ang pagdiriwang ng Gay Pride sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas noong Sabado, Hunyo 27.
Kasama ang isang kaibigan, makikita sa viral video clip ang pananampal at malakas na pagtadyak ni Maxie sa mukha ng trans woman na hindi pa nakikilala ang pagkatao.
Ang bayolenteng eksena ang dahilan kaya nagkaroon ng mga panawagang kanselahin si Maxie at huwag nang kunin ng producers ng Die Beautiful: The Musical ang kanyang serbisyo.
Read: Jerry Yan speaks of a love now a memory; fans think of Barbie Hsu
MAXIE ANDREISON SPEAKS UP ABOUT THE INCIDENT
Hindi itinanggi ni Maxie ang pangyayari.
Pero sa Instagram Live niya kahapon, Hunyo 28, ipinaliwanag ni Maxie na tatlong taon na ang nakalilipas nang mangyari ang insidente sa Cabanatuan
Bahagi ng kanyang pahayag: “Nag-sorry na ako and nag-sorry na rin sila, and nakapagpatawaran na kami sa isa’t isa and we moved on.
“Sana lang, three years ago, mas na-handle ko yung sitwasyon na mas matalino. Na mas kalmado.
“Sana, mas napalawak ko pa yung utak ko. Hindi kasi tama talaga na manakit.
"Hindi siya tama kahit saang aspeto. Hindi talaga ako katanggol-tanggol that time kasi mali talaga siya.
“Mali talagang manakit tayo."
Pagpapatuloy ni Maxie: "Buti na lang ngayon, e, may nagga-guide na sa aking mga tao.
"Ayoko nang maulit yon. Tina-try ko naman magbago.
“After that incident, ang dami kong natutunan, ang dami ko rin napag-aralan.
"Hanggang ngayon, pinapangaralan pa rin ako."
Humingi ng paumanhin si Maxie sa inasal niya.
“Ayoko nang maulit yon. Pasensiya na," saad niya.
"Ang dami ko nang nagawang kasalanan ngayong Pride [Month].
"Sana sa susunod na live ko, hindi na ako magso-sorry. Sana last na sorry ko na ito sa inyo.
“Bubog sa akin yung nangyari na yon."
May pakiramdam daw si Maxie na kakalat ang naturang video, pero tanggap daw niyang may pagkakamali siya.
"Alam ko na kakalat talaga ang video na yon," sambit niya.
"Alam ko talagang mapag-uusapan yon kasi mali talaga ako dun.
"Hindi ako nandito para depensahan ang sarili ko dahil mali talaga ako."
Read: Jericho Rosales' brother Jeremiah found after five days in hiding
MAXIE'S MANAGEMENT ISSUES STATEMENT
Naglabas din ng pahayag ang mga namamahala sa entertainment career ni Maxie.
Nakasaad sa kanilang paliwanag: “We are aware that a video from a past incident in Cabanatuan involving Maxie has resurfaced online. We understand why the video is upsetting to see.
“Maxie does not deny that the situation turned physical and she is sorry that it reached that point.
“At the same time, we also want to share the context with care.
"That night, Maxie’s boundaries as a performer were repeatedly crossed. She was pulled, touched, followed, and her wig was pulled. It was an unsafe and distressing situation.
“This was addressed privately with the people involved at the same time. Still, we understand that seeing the video again can bring up concern, disappointment and questions.
“We do not condone violence.We also believe that no performer should experience harassment, unwanted touching or violations of personal space before, during or after the show.
“For now, we ask that this be discussed with care especially for everyone directly involved.”
DIE BEAUTIFUL: THE MUSICAL
Ang The IdeaFirst Company ang producer ng Die Beautiful: The Musical, pero hindi pa sila nagbibigay ng reaksyon tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Maxie na sentro ngayon ng cancel culture.
Jayvhot Andreison Galang ang tunay na pangalan ni Maxie at siya ang nagwagi sa Season 3 ng Drag Race Philippines noong Oktubre 2024.
Hindi baguhan si Maxie sa pag-arte sa teatro.
Noong 2005, siya ang bida sa PETA production ng Maxie The Musicale: Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.
Si Maxie ang nakatakdang gumanap sa karakter ni Trisha Echevarria sa musical stage adaptation ng Die Beautiful na itatanghal sa Hunyo 2027 sa Proscenium Theater, Makati City.
Ang Die Beautiful ang hit at award-winning movie pinagbidahan ni Paolo Ballesteros at opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2016.
Read: Ai-Ai contacted by Fil-Am nurse indicted in $906M fraud case