Third runner-up sa inaugural edition ng Miss Multicultural World ang kinatawan ng Pilipinas, ang 22-year-old registered nurse na si Kylah Grace Giganto.
Ginanap ang gabi ng koronasyon ng Miss Multicultural World 2026 sa Ho Guom Theatre, Hanoi, Vietnam, noong Linggo, Hunyo 28.
Si Soe Myintzu Lwin ng Myanmar ang kinoronahang Miss Multicultural World 2026.
First runner-up si Nathaly Salmeron ng Honduras; second runner-up si Tran Ha Linh ng Vietnam; at fourth runner-up si Sarah Ortiz, na isa nang ina, ng USA.

Marami Pinoy pageant fans ang umasang maiuuwi ni Kylah ang korona ng Miss Multicultural World 2026 dahil sa kanyang malakas na stage presence at ipinamalas na katalinuhan sa pagsagot.
Hindi man pinalad, siya ang tumanggap ng special awards na Best Beauty at Best Media.
View this post on Instagram
May young Korina Sanchez at VMX star Robb Guinto vibe si Kylah, na kampanteng-kampante at hindi nagpakita ng anumang kaba.
Sa limang finalists para sa Miss Multicultural World 2026, bukod-tanging si Kylah ang sumasayaw at kumakanta habang pinakikinggan ang musika mula sa headphones na ginamit para hindi nila marinig ang tanong sa final question-and-answer segment.
Read: Joy Barcoma reacts to speculations amid no-farewell-walk issue
MISS MULTICULTURAL WORLD 2026 PAGEANT
Pinagtiyagaang panoorin ng Cabinet Files ang live streaming sa YouTube ng patimpalak.
Dalawampu lamang ang bilang ng mga opisyal na kandidata ng Miss Multicultural World 2026.
Nagsimula ito noong Linggo ng gabi at natapos ng Lunes ng madaling-araw, Hunyo 29, dahil sa nakababagot at mabagal na daloy ng programa.
Natagalan ito dahil isinasalin pa sa wikang Vietnamese ang lahat ng mga sinasabi ng mga finalist, ng American host na si Francie Millan at ng Vietnamese co-emcee nito.
Tumagal din ang programa dahil sa male translator na mas mahaba ang mga sinasabi kesa sa mga sagot ng kandidatang isinalin niya sa Vietnamese language.
Read: Jhen Go, Jeremiah Rosales' wife, opens up about conflict with Jericho